Let Me Know Chapter 41
Delight
"It doesn't mean na pumayag ako sa plano ni Ken, means pinamimigay na kita sa kanya." Nagulat ako nang dumating si Ace habang inaayos ko ang locker ko. Nakangiti naman siya habang sinasabi 'yun. He's referring sa nangyari kahapon.
Katatapos lang kasi namin magclose sa room at dito na ako dumiretso agad para tignan kung nadala ko ba ang mga reviewer ko.
Last day of Foundation week ngayon. Balita ko may party mamaya. And I don't have plans on going. Kailangan kong magreview dahil bukas na ang contest.
Hindi ako umimik sa sinabi ni Ace. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Mamaya pa naman ang review mo 'di ba? Pwede ba kitang mahiram? Kahit ngayon lang?" Hindi pa man ako nakapagsalita nang hilahin niya ako. "Nagpaalam naman na ako kay Ken and umoo naman siya." Sabi niya habang hinihila niya pa rin ako.
So he said yes? Okay lang pala sa kanya. Ano ba Andrey, wala ka nga lang sa kanya kaya basta basta lang siya oo sa kaibigan niya. Tsaka wala naman siyang gusto sa'yo eh. Get over it. Paalala ko na naman sa sarili ko.
Nagulat na lang ako nang nakapila kami for Ferris Wheel. Medyo mahaba ang pila nito lalo't last day na.
"Gusto mo sa iba na lang tayo? Baka mainip ka." Tanong ni Ace.
"Hindi. Okay lang." Sabi ko naman.
I feel bad kung aayaw ako kay Ace. Pagbigyan ko naman siya this time. Tutal he's a good friend of mine and masakit na mareject sa ganitong request and nagkaintindihan naman na kami. Kahit paminsan minsan, I want him to be happy.
"Kuha lang ako ng cotton candy doon." Turo niya sa isang stall. Tumango naman ako. Umalis siya agad. Patalon talon pa siyang pumunta sa stall. He looks happy.
I don't know bakit parang ang tamlay ko lately. Ganito ba talaga kapag broken hearted? Oo, inaamin ko nang broken hearted ako.
Nagulat na lang ako nang may marinig akong click ng camera. Napatingin ako sa may hawak ng cam. Mukhang satisfied siya sa picture ko na nakuhanan niya. Ngiti-ngiti pa siyang tinitignan 'to.
"Ah.." Sabi ko na lang.
"Ang cute kapag nagugulat ka." He said.
"Hoy Ken! Sabing kuhanan mo ako doon eh, iba naman kinukuhanan mo." Sabi ni Dice sa kanya. "Oh, Hi Andrey!" Bati niya sa akin. "Kaya naman pala eh, andito si Andrey." Napopout pa si Dice.
"Malolowbatt na eh." Sabi ni Ken.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?