Chapter 53 - The Curse

17 1 0
                                    


Let Me Know Chapter 53


The Curse


"Good morning Ate. Good Morning Ma, Good Morning Pa." Bati ko sa kanila na nasa dining table at kumakain ng breakfast.


"Aba, maganda ata ang gising?" Sabi ni Ate Sapphy habang papaupo ako.


"So kumusta ang Prom?" Tanong ni Papa.


"Okay naman po." Sabi ko saka kumuha ng kanin.


Ramdam ko namang nagkatinginan sila ni Mama at nagkangitian pa. Napailing na lang ako sa reaction nila.


Bigla naming tumunog ang phone ko na nagging sanhi na makuha ko ang atensyon nila. Napatigil pa sila sa pagkain.


Tinignan ko naman kung sino ang nagtext. Mukhang pati sila Mama nag-aabang kung sino ang nagtext.


"Good Morning." Sabi ni Ken sa text.


"Asus, may pa-good morning." Nagulat ako sa sinabi ni Ate na nakasilip pala sa phone ko.


Nagngitian na naman sina Mama at Papa. Tuwang-tuwa sila ah.


Ano naman nakain ni Ken at first time ata ito na nagtext siya ng ganito. But I admit, it made me smile.


Nagreply naman ako sa kanya. Hanggang sa tuloy tuloy na ang conversation namin.



My weekend went well. Yes, it is. At ito na naman ako, natatakot na maging masaya dahil baka bawiin na naman mamaya. Sana naman tuloy tuloy na this week.


Pagkarating ko naman sa school, nakapost na sa bulletin board ng school ang mga pictures from prom.


"Hi Andrey!" Bati ng ibang mga students na nakikita ako kahit hindi ko naman sila kilala. Nakikingiti na lang din ako sa kanila. Ang weird naman ng ganitong feeling.


Pumunta muna ako sa locker bago pumasok ng room.


"Good Morning Prom Queen!" Bungad sa akin ni Ace na kasama si Dice na nakaakbay sa kanya kahit na maliit si Dice ng onti kay Ace.


"Good Morning." Bati ko naman.


"Malapit na exam. Next next week na tapos graduation na!" Masiglang sabi ni Ace.


"Excited ka naman. Malayo pa." Sabi ni Dice.


"Malapit na kaya. Kaya kailangan na natin magreview para maihabol pa natin grades natin. Malay mo magrank up tayo sa rankings."


Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon