Let Me Know Chapter 52
Last Dance
"So, kumusta ka na?" He started the conversation. Eh sa alam naman niya siguro na hindi ako marunong magsimula ng convo kaya siya na nag initiate.
"Okay lang." I bit my lower lip. Yun lang sasabihin mo Andrey? Ang awkward ng atmosphere. Ilang weeks na ba kaming hindi nagkakausap? Nag-iiwasan na parang di magkakilala? Eh ginusto ko naman kasi 'to.
Napabuntong hininga siya. "Antagal ko rin atang hindi naririnig ang boses mo." Sabi niya habang nakatingin siya sa mga stars. Parehas kaming nakasandal sa railings.
Nasa roof top kami ng Gym. Dinala niya ako dito after ng sayaw namin. Hawak hawak niya lang ang kamay ko while leading me to this place. Hindi ko alam at hindi man lang ako nagtanong kung saan niya ako dadalhin. Nakatingin lang kasi ako sa kamay naming dalawa na magkahawak. I miss his hands. I miss his hands clutched in mine.
"Nagsasalita naman ako kapag nag-uusap-usap or nagkakasama ang grupo." Sabi ko.
"Namiss ko yung boses mo na nagsasalita para sa akin, na ako ang kinakausap."
Ayan na naman siya. Ang galing niyang magpakilig. Tapos ako ang bilis bumigay. Ganito ba talaga ang mga babae? Onting kibo lang, onting puri lang sa kanila, I mean sa amin, bakit parang nakakagaan ng loob, gumagaan na ang loob sa taong nagsasalita para sa kanila? Bakit ang bilis ko mahulog? Ba't ang rupok ko?
"Ilang buwan na lang naman, gagraduate na tayo. Ilang buwan nalang naman, matatapos na 'to." I looked at him. Ako lang ba nag-aassume na ang lungkot ng mga mata niya? Bakit?
"Oo nga eh." I smile a bit.
"Makakalaya ka na sa kasinungalingan na 'to." Medyo natawa siya. "Bago man lang tayo grumaduate, may memorable things na nangyari."
Oo, hindi ito ang pinangarap ko na high school life ko. Memorable nga for me dahil madaming first time.
Tumahimik, almost 3 minutes. Nakatingin pa rin siya sa kalangitan. Napatingin na din ako. Nakakagaan lang tumingin sa mga stars.
Bigla namang humangin, nilamig naman ako. He put his coat to my shoulder.
"Baka sipunin ka, pagalitan pa ako nina Tita." Yung puso ko na naman. Ganyan ba talaga mga lalaki? Ang galing magpakilig? Pero para sa kanila, wala lang yun, pero para sa mga babae, big deal yun? Ang daldal din ng utak ko ngayon, andaming tumatakbo sa isip ko.
Tumahumik ulit. 3 minutes almost. Hanggang sa humarap siya sa akin. Nagulat pa ako doon sa paggalaw niya.
"Andrey." Sabi niya. He looked into my eyes. Ganun din ako. I miss looking at his eyes. It's like you're drowning but you're not. "Matagal na 'tong tumatakbo sa isip ko." He paused. "Gawin na lang kaya nating totoo lahat ng 'to?"
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanficWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?