Chapter 27 - Girl in Luv?

26 5 1
                                    


Let Me Know Chapter 27



Girl In Luv?



Gumising ka Andrey. Hug lang 'yun. Wala nang iba. Okay? Wag kang mag-over react diyan. Para ka namang. Thank You lang 'yun. Okay? Tama na. Gumising kana.


"Congrats nga pala."


"Andrey? Andrey? Uy! Andrey!"


"Ha?" Tanong ko kay Aira.


"Okay ka lang ba? Ba't parang ang pula ng pisngi mo. May lagnat ka ba? Kanina pa kita kinakausap eh, mukhang wala ka sa kaisipan mo."


I cupped my both cheeks. Mainit nga sila. Pumikit pikit ako para magising. Tigil tigilan mo 'yan Andrey.


"O-okay lang ako." Sabi ko naman.


"Buti naman. Congrats nga pala. You made it to the Top 1 again." Sabi niya sabay alok ng kamay niya. Tinanggap ko naman ito. Sanay na ako sa kanya everytime na may ganitong result ng exam, she always congratulate me.


"Congrats din sa'yo." Sabi ko naman sa kanya tapos ngumiti siya. Pero di nagtagal parang napabuntong hininga siya.


"Sige, balik na ako sa upuan ko." Medyo matamlay ang pagkakasabi niya. Bakit kaya?


"Palibhasa kasi Top 3 na lang siya." Dinig kong sabi ng katabi ko na kausap 'yung classmate kong nasa likod niya. Top 3 na lang si Aira? Pano nangyari 'yun?


Lumabas ako ng room para tignan ang result ng exam. Wala pa naman ang teacher namin kaya ayos lang. Pagkarating ko doon...


1. Lopez, Andrey – 97.9

2. Mendoza, Rap – 97.7

3. Ocampo, Aira Jane – 96.9


That make sense. Panong nahabol ni Rap ang exam? Baguhan pa lang siya pero kaya niyang habulin ang exam namin? Ang lessons namin? First time kong nakakita ng ganito. Kakatransfer niya lang ng ilang araw tapos ganito.



Papunta ako ng CR nang may narinig akong sumisigaw. Boses 'yun ni Ma'am Ocampo. Sa hallway ng mga club rooms. Andoon sa pinakaduluhan, sumisigaw siya at mukhang may sinisigawan siya.


"Panong naging Top 3 ka ha?! Konti na lang! Konti na lang oh! Di mo pa nagawang maging Top 1. Tapos ito!? Naging Top 3 ka? Pano ka natalo ng isang exchange student na kakapasok lang ng ilang araw?!" Sabi niya. So it's about Aira. Medyo lumapit ako para makita ang expression sa mukha ni Aira.


Cold lang ito. Ngayon ko lang nakita ang ganitong expression sa mukha niya. Nakatingin siya sa baba. Kadalasan, nakikita ko siyang nakangiti sa akin. Pero ito, iba, ibang Aira ang nakikita ko.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon