Let Me Know Chapter 16
Good Night Like Yesterday
"Ano? Anong nangyari? Kwento, dali!" Demanding na pagkakasabi ni Ate nang makarating ako sa bahay galing school. Hindi ko naman kasi nakwneto sa kanya dahil nakatulog na siya sa sofa kagabi kakahintay sa akin. Kaninang umaga naman, nagmamadali siya sa work kaya di ko na siya na abutan paggising ko.
"Kumain lang naman sa labas at hinatid niya ako dito?" Di ko siguradong sagot.
"In details please." Nagcross arms pa si Ate.
Ganito pala, everyday pala kailangan ko na palang magreport sa kanya ng mga nangyayari sa akin? In details pa? Sa susunod, bibili na ako ng notebook at mag o-outline ng pangyayari sa akin sa buong araw. Para basahin niya na lang. Para di na rin ako mapagod sa pagsasalita.
So flashback ang gagawin ko ngayon. Nagsimula na akong magkwento kay Ate.
Habang kumakain kami nun, nag-uusap naman sila. Samantalang ako, busy sa pagkain. Sinasali din naman nila ako sa usapan nila kaso matipid lang ako sa pagsasalita. Tinanong pa ako ni Aira kung anong topic ko sa report ko. Sinagot ko naman ito. Tapos sila na naman mag-uusap. About sa family ni Ken. Kung kalian ba uuwi ang isa pa niyang Ate.
"Oo nga pala, alam na ba nina Ate Ry 'yung tungkol sainyo?" Tanong ni Aira. Tinignan ko siya kung anong expression sa mukha niya habang sinasabi niya 'yun. Wala lang sa kanya? Eh 'di ba umamin siya kay Ken tapos parang cool lang sa kanya? Or baka sa loob loob niya eh hindi naman.
"Yup. Sa wakas daw, false alarm daw na alam mo na." Sagot ni Ken tapos tumingin siya sa akin. "Happy nga sila at siya raw ang naging girlfriend ko."
Walang umimik for about 6 seconds?
"Haha, ganun ba? Aba, pasado ka nap ala sa kanila Andrey." Ewan ko ba kung totoong ngiti ang pinapakita sa akin ngayon ni Aira.
Gusto ko nang matapos ang oras na ito. Tumingin ako sa wrist watch ko.
"Mag-e-eight na pala? K-kailangan ko nang umuwi." Napatayo ako. Sakto naman at tapos na kami kumain. Tsaka kailangan ko na talagang umuwi para magreview.
Tumayo na din sila. "Sabay na tayong umuwi." Sabi ni Ken.
Naglakad naman kami pababa hanggang sa labasan na. Iba pala ang daan papunta kila Aira.
"Hatid ka na muna namin. Gabi na oh. Bawal sa babae ang nag-iisa sa ganitong oras." Sabi ni Ken kay Aira.
"Oo na. Nabibingi na ako sa paalala mo na 'yan."
Tumingin sa akin si Ken. "Okay lang ba na ihatid muna natin siya?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Wala naman akong magagawa tsaka tama din naman 'yun.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?