Chapter 38 - Whalien 52

29 3 0
                                    




Let Me Know Chapter 38



Whalien 52



"Tikman niyo 'tong luto ko. Masarap 'yan." Sabi ni Mama habang naglalapag ng Sinigang sa table. "Makakatulong din 'to sa sakit mo anak." Sabi niya pa sa akin.


Hindi ako makangiti. Hindi ako makaimik. Wala ako sa mood. Ayaw kong magsalita. Ayaw kong gumalaw.


Andito ang family ni Ken with my family. Namiss raw nilang maggather ng ganito dahil kalian lang daw 'yung huling naggathering ang mga family namin. And we should do this often daw. I don't know but, I think isang araw or malapit na at matitigil na ang gathering na ganito.


Si Blue ang kumuha ng food para sa akin. Siguro naramdaman niyang wala ako sa mood at isa pa, may sakit ako. Sa kanan ko naman si Ken at katapat namin ang mga magulang niya. Nakatingin pa nga siya kay Blue habang ginagawa 'yun.


Sila, enjoy na enjoy sa pagkain, habang ako, kokonti lang ang kinakain at parang pinaglalaruan ko pa ang kanin. Nakatingin lang ako sa plato ko.


"Anak?" Tawag sa akin ni Tita Suzy.


"P-po?" Tanong ko. Nagpunas naman ako ng bibig ko.


"Nag-away ba kayo?" Tumingin siya kay Ken.


Nagkatinginan kami ni Ken. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya.


"Hay nako, normal na 'yan sa mga ganyan." Natatawa si Tita Suzy. She looks happy. Masaya siyang nakikita kaming magkasama ni Ken. Pano na lang kaya kung matapos na ang lahat ng 'to? Nasasaktan ako para sa kanya kapag nalaman niya ang totoo. "Alam niyo, kung ano man 'yang pinag-awayan niyo, pag-usapan niyo ng maigi. Okay? Magkakaayos lang kayo niyan." Ngumiti siya sa akin. Tipid lang din ang ngiti na binigay ko sa kanya.


May hint na kailangan ko nang istop ang mga ito, may nagbibigay din na kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang mga ito. Siguro, kailangan ko lang isantabi ang sarili kong feelings. Naguguluhan na ako. Both sides will be hurt kapag pinili kong itigil na ito. Pero habang pinapagpatuloy pa rin ito, sa tingin ko, ako lang ang masasaktan.



After ng dinner na 'yun, agad akong nag-excuse. Alam ko namang maiintindihan nila 'yun dahil masama ang pakiramdam ko.


Pumasok naman si Blue sa kwarto ko na may dalang tubig at gamot. Agad koi tong ininom at nahiga ulit. Naupo siya sa gilid ng kama ko.


"Anong meron?" Tanong niya agad. Ramdam niya talaga at kilala na niya ako. "Alam kong hindi lang dahil sa may sakit ka."


Kinuwento ko naman sa kanya ang nangyari kanina. Seryoso siyang nakikinig sa akin.


Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon