Chapter 6 - Slam Book

32 4 0
                                    


Let Me Know Chapter 6

Slam Book

"Yow!" Bati ni Dice sa amin nang makarating kami sa kanila. Binati muna namin si Tita bago umakyat at dumiretso sa kwarto nila. Nagtaka pa nga si Tita kung bakit nila ako kasama at hindi si Ken. Dumating na din pala sa kanya ang balita.

Pagpasok namin sa kwarto ni Dice, andun na sina Claine at Ken. Naglalaro sila ng xbox. Napatigil sila nang dumating na kami.

Okay din naman ang kwarto ni Dice. Lahat about sa games, and music too. Halatang mahilig siya sa music. Halata ding mayaman sila dahil puro branded ang mga nandito na items.

"Tara, sa terrace." Yaya ni Claine habang inaakbayan ako. Magkaheight lang kami pero kung umasta parang mas matangkad siya sa akin.

Naupo kami sa upuan sa terrace. It looks like we're having a meeting. Naglabas na naman ng bond paper si Ace. Lumipat din sila ng upuan maliban sa amin ni Ken na magkatapat. Naupo sila sa gilid namin.

"So let's play. Parang slam book game. Magtatanong kami, sasagutin niyo. Then exchange papers, memorize niyo kung anong nakasulat. Then we'll ask kung anong hilig ni Ken, hilig ni Andrey. Mga ganun." Pag-e-explain ni Dice.

Okay din naman. Matatalino nga talaga ang mga ito.

"Nabasa ko kasi sa Google na, you should know each other first." Sabi ni Clay.

Tinignan ko naman si Ken na tinitigan ang bond paper. Tiniklop niya ito at sinulat ang pangalan niya sa pinakataas. Para siyang bata.

"Hmm, let's start."

"Food." Sabi ni Claine.

"Luh, pagkain agad? Gutom ka na no?" Siniko siya ni Dice.

"Medyo." Matipid na sagot ni Claine. Kaya nagpadala naman ng chips at sandwich si Dice para sa amin. So bale habang nagsusulat kami, kumakain kami.

"Birthday muna, age, mga ganun." Sabi naman ni Clay.

Sinulat ko naman ang birthday ko. November 12, 1998. Age, 17. Nasundan na din ito ng color, black naman nilagay ko. Then food, siomai, cupcake. Food we hate, coffee. Ayaw ko talaga sa coffee lalo na sa amoy niya. Ewan ko ba kung bakit. Loves to do naman, reading books, drawing, playing guitar, nakakarelieve 'yun ng stress. Songs naman, ewan ko pero, hindi naman ako masyado into Kpop pero, Eyes, Nose, Lips ng Bigbang. Ang ganda kasi. Sports naman, wala akong nilagay dahil hindi ako mahilig sa sports. Pets, ganun din. Hindi ako mahilig sa pet. Pinakaleast na gusto ko lang eh fish.

Hanggang sa napunta sa favorites subject, teacher. Mga ganung bagay. Nagtatalo pa nga sila kung bakit mga ganun kailangan. Pero in the end, kailangan daw piakakonting bagay, kailangan isulat.

"Last naman, the thing you like and hate." Sabi ni Clay. Nagtinginan naman kami ni Ken. Nagsimula na siyang magsulat.

The thing I hate muna ang sinulat ko. Entering in a relationship. I'm not ready yet, and it's not on my mind.

Always late. Time conscious kasi ako.

Binabash ako dahil sa mahilig ako magbasa. Or binabash ang mga kinahihiligan ko.

Like? Hmmm. Of course, reading. Studying. Lalo na ang mga characters sa books na binabasa ko.

Another is, na a-appreciate ang mga nagawa ko.

Ayun lang naman.

"Pinaka last, ano ang gusto mo Andrey sa lalaki, at ikaw naman Ken, sa babae." Sabi ni Dice habang taas baba pa ng kilay.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon