Chapter 29 - Butterfly

33 4 0
                                    

Let Me Know Chapter 29



Butterfly



Anong gagawin ko dito? Bakit ngayon pa? P-pano 'to alisin?


Kanina pa ako dito sa Cr, nakatingin sa salamin. Nag-iisip kung ano bang gagawin ko dito para maalis 'to. Nagsearch na din ako. Magwash daw. Eh nagwash na ako. Tatlong beses na. It may take how many days, pero sana kahit bukas, wala na 'to.


Hay nako. Malalate na ako nito eh. Bumaba na lang ako habang namomroblema sa pimple na 'to. Nilagyan ko na lang ng band aid. Okay na 'to.


"Oh, medyo natagalan ka ng 5 minutes bago bumaba. Bakit?" Sabi ni Ate sabay tingin sa watch niya kaya di pa niya ako nakita. Alam na alam niya ang oras ng paglabas ko ng kwarto.


Naupo ako at agad na kumuha ng pagkain.


"Anong meron sa ilong mo?" Tanong niya na may bakas ng pagkagulat.


"P-pimple." Sagot ko at kumagat ng hotdog.


Tumawa ng malakas si Ate. "Hahahaha. Iba ka talaga kapatid. Late bloomer ka nga. Tignan mo oh, kagabi lang natin napag-usapan, ngayon andiyan na siya sa ilong mo. Ilong lang din pinag-uusapan natin kagabi. Hahaha. Ngayon, ilalagay ko 'yan sa journal ko. When Andrey like someone. 'Yun ang title." Inasar pa niya ako. Binilisan ko na lang ang pagkain ko para di pa madagdagan ang pang-aasar niya sa akin.


Nagsalita siya nang tumayo na ako. "Teka, lalagyan natin ng make up 'yan para di mahalata. Baka makita ka pa ni Ken, matuturn off 'yun. Sige ka."


Nagdalawang isip ako sa sinabi ni Ate. Ba't parang naapektuhan ako? "H-ha?" Tanong ko. Umiling ako. Back to your senses Andrey.


Tumingin ako sa wrist watch ko. Malalate na ako. Matagal pa man din kung magmake up itong si Ate. Perfectionist siya pagdating sa make-up.


"Malalate na ako eh."


"Pano 'yan?" Turo niya directly to my nose. Ang sama niya talaga.


"H-hayaan na. Hindi na lang ako magpapakita sa kanya." Sabi ko sabay sabit ng bag sa balikat ko.


"Ikaw bahala."


"Sige po. Alis na ako." Paalam ko sa kanya.


"Ingat Andrey!"


Then I left. Naglakad na lang ako papunta ng school. Nakayuko lang ako dahil baka makita ako ng ibang tao na ganito. Nakakahiya. Kung dati lang na wala akong pakealam sa hitsura ko kasi ganun din ang ibang tao sa akin, walang pakealam. Pero ngayon dahil kilala na ako sa school, ayun, big deal sa kanila. Baka mamaya trending ito sa social media. I better delete my facebook app so that I can no longer see depressing comments.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon