Chapter 34 - Fire...Works

35 4 0
                                    

Let Me Know Chapter 34



Fire...Works...




"Himala, tumawag ka sa akin ah. Himala talaga." Sabi ni Dice sa kabilang linya. First time ko lang talagang tawagan siya. Sakto naman at may load ako.


"Ah eh, tatanong ko sana kung saan mahilig si Ace?"


"Ah...kala ko naman itatanong mo kung saan ako mahilig eh. Para sa birthday niya 'yan di ba? Hmmm." He paused. "Mahilig siya sa babae." Narinig ko pa ang tawa niya. Siya lang ang natawa.


Natigilan siya nang makaramdam siya ng katahimikan. Hindi ako nagsalita man lang o nagreact sa sinabi niya. Hindi naman kasi nakakatawa 'yung sinabi niya.


"Ehem." He cleared his throat. "Naku, mahal 'yun. Sinasabi ko sa'yo. Isa siyang mahal na tao."


Naguluhan ako sa sinabi niya. "Mahal? B-bakit?"


"Branded kaya mga gamit nun. Oh well, branded naman mga gamit namin, tig-iibang brands lang. Sa kanya kasi Gucci. Mahilig siya sa Gucci."


Natahimik ako. Gucci? Eh ang mahal mahal nun. Oo nga, mahal nga talaga siyang tao. Kaya nung nagbakasyon kami nung sembreak, ganun na lang siya pumorma dahil branded ang damit niya. Ni ako nga, kahit na may kaya kami, wala kong gamit na Gucci ang tatak o Puma.


"S-seryoso?"


"Uhuh. Kaya pagbirthday talaga ng Alien na 'yun, nag-iipon ako."


"Ah eh, salamat Dice."


"You're welcome. Ah..nga pala Andrey." Ibaba ko na sana ang tawag nang magsalita siya.


"Bakit?"


He paused.


"W-wala. Sige. Bye." He gave me an awkward laugh. At binaba ko na ang call.


Ano kaya 'yun? Mukha namang may sasabihin siya eh. Sumeryoso pa ang boses niya.


Binalewala ko na lang ito at nahilata sa kama at binuksan ang book na babasahin ko. Kaso, hindi ako makaconcentrate dahil sa naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Sasabihin na niya sa akin bukas. 'Yung mga sticky notes na 'yun. Bakit at pano nag-iba ang sulat niya, bakit niya ginagawa ang mga 'yun?


Napatingin ako sa table ko kung saan nakapatong ang invitation niya. Bukas na pala. Hindi pa ako nakakabili ng ireregalo ko sa kanya. Pupunta na lang ako sa Mall bukas nang lunch.


Nagulat naman ako nang biglang pumasok si Ate sa kwarto ko. Marahas pa niyang binuksan ang pinto.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon