Let Me Know Chapter 20
Boyz With Fun
"Bakasyon na!!!"
"SHEMAAAAY! IHANDA ANG SWIM SUIT!"
"Baliw sembreak Te! Hindi summer."
Sabay batok ng classmate ko sa katabi niya. Excited na excited sila sa sembreak. Kahit na one week lang 'yun dahil kuripot ang school naming magbigay ng bakasyon, excited pa rin sila. Buti nga't di nagbigay ng mga take home na gawain ang mga teacher dahil i-enjoy na daw naming kahit 1 week lang.
"Saan ka magbabaksyon Andrey?" Tanong ni Aira sa akin.
"Hindi ko alam eh. Pero kadalasan naman eh sa bahay lang kami. Busy kasi lagi sila Mama." Sagot ko sa kanya. Tumango naman siya. "Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya.
"I don't know. Baka sa bahay lang din. Pero kung may maisipan na puntahan sila Ken and boys, baka sumama ako." Nagtaka ako sa tanong niya. "Every sembreak kasi kung saan man sila nagsesembreak, minsan, sumasama ako."
Tumango ako sa sagot niya. Close na close na siguro siya sa kanila. Pero di ba niya marmdaman ang hatred nila sa kanya? Or ayaw lang nilang magpakamean sa kanya. Hay, pati lalaki, magulo rin.
Kinabukasan...
Aaminin ko, masaya ring walang pasok. Late akong natutulog dahil sa pagbabasa, late din magigising. At ngayon, late ako nagising. Kaso, pagmulat ko ng mga mata ko, may tao akong nakita. Nakaupo sa sofa ko sa right side ko.
Agad akong napaupo at nagtalukbong ng kumot. Chineck ko kung may laway ako or muta sa mata. Nakakahiya kasi.
"Ganito pala ang kwarto mo? I was expecting na color pink and puro cute stuff. But I was wrong. Black and White? Classic. Hahaha." Sabi ni Ace.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Napalip bite ako. Buti na lang di niya ako nakikita.
Ramdam kong tumayo siya at lumapit sa pwesto ko. "Ang cute mo pala magulat. Hahaha. Achievement, makita ang another emotion from you."
Napabuntong hininga ako. "A-ano ba kasing ginagawa mo dito? Pano ko nakapasok dito?" First time ko lang magising na may ibang tao sa kwarto ko. Hindi ako nagpapapasok ng kung sino sa kwarto ko. Even si Ate, minsana lang siya pumasok sa kwarto ko. Kung wala man ako sa loob, nakalock pa ito at lagi kong dala ang susi nito.
"Pinapasok ako ni Ate Sapphy. Ang tagal naman kasi nung mga 'yun. Gisingin na raw kita. Kaso ang sarap ng tulog mo eh, kaya wag muna." Sagot niya.
"Bakit ka andito? Anong meron?"
"Bangon ka na diyan." Sabi niya sabay alis ng kumot. Full force ata niyang inalis ang kumot.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?