Thank you for reading this first chapter It's my pleasure if you comment what you can suggest of making a plot just comment below and enjoy reading the story
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagtungo sa kumpanya si Shaira upang ihatid ang baon na pinagawa ni James sa kanya. Habang nagaantay na bumukas ang elevator ay nakausap niya ang sekretarya ni James, kaya binati niya muna ito
"Ayyy ma'am kayo po pala" gulat na aniya ng sekretarya ni James at maaliwalas na ngiti ang ipinukol ng secretary sa kanya
"Good morning" puna ni Shaira habang nag aantay na bumukas ang elevator
Pagkabukas ng elevator ay agad silang pumasok at pinindot ang 27th floor, kung saan ang office ni james, mahigit ilang isang minuto silang hindi nagkikiboan ng sekretarya ni James hanggang sa dumating siya sa floor kung saan ang office ni James
"Kumusta si James?"putol niya sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa, pero may mapangakit na boses ang halo ng pagkakasabi ni Shaira nito sa sekretarya ni James. Bahagya namang napalingon ang sekretarya bago sinagot ang tanong ni Shaira
"Okay lang naman po Ma'am. Minsan nakabusangot, minsan naman galit" tawang pahayag ng Secretary ni james kaya tumawa naman si Shaira bilang pagrespeto sa sekretarya ng kanyang asawa
Bumukas ang pinto at agad silang lumabas papunta sa office ni James, pero nauna si Shaira sa kanya kaya mariing una itong dumating sa pintuan ng office ni James
Kumatok muna ito bago pumasok sa pintuan, pinihit niya muna ang siradora ng pinto bago niya otp binuksan ngunit laking gulat niya ng masaksihan ang nakita niya sa opisina ni James
"Didn't you see, may ginagawa pa AKO!!!"marahas na sigaw ni James ka kanyang asawa, kaya nagulat si Shairang nakatunganga habang nakatitig sa kanyang asawa " lumabas ka muna, tatawagin nalang kita sa labas!" nakakasindak na dugtong ni James
Nanginginig ang mga kamay ni Shaira habang sinasarado niya ang pinto ng opisina ni James, para siyang isang sirang laruan na pilit ginagawa ang lahat magustohan lang siya ng may ari
Ramdan niya ang maiinit na likidong nag sibabaan mula sa kanyang mata na animoy, nagkarerahan kung sino ang unang makarating sa finish line. gusto niya mang kalimotan ang nagyari ay hindi niya magawang gawin yun dahil walang taong magagawang kalimotan ang masakit na pangyayari
Mariin na lamang siyang napa kumot sa kanyang kamay, habang nagpipigil na marinig ang kanyang mahinang iyak. Hindi niya alintana kung nakatingin ba ang secretary ni James sa kanya pero wala siyang pakialam, pero kita sa mata nito ang awa para kay Shaira. Gusto niya mang lapitan si Shaira ay hindi niya magawa dahil kabilin-bilinan ni James na huwag itong kakausapin o kakaibiganin man lang, kundi magpupulot siya ng gamit niya sa labas ng building
Hindi maalis sa kanyang mga mata ang masasakit na pangyayaring paulit-ulit niya ng nasaksihan pero patuloy parin siyang nagpapakatanga para sa lalaking pinakmamahal niya
Kitang-kita ng kanyang mga mata ang katarantadohang ginawa ng kanyang asawa ngunit tanging paghikbi lamang ang kanyang ginagawa sa tuwing nakikita niya ang mga pangyayaring iyon
Mahal niya si James kaya nakakaya niyang magtiis at magbulag bulagan sa mga nakikita niya, hindi niya kayang pakawalan ang asawa kahit ilang beses pa siyang pagtulakan nito ay hindi niya kayang lumayo sa kanyang asaaw
Isa lamang siyang hamak na babaeng pinulot ni James sa lupa upang pagsilbihan si james at alagaan, pero ang katumbas naman ay manatili siya sa piling ng lalaking pinakamamahal niya ay tatanggapin niya
Hindi niya maiwakli sa isipan ang pagtataksil na ginawa ni James sa kanyang harapan mismo, pero kahit anong gawin niya ay wala siyang magagawa
Mariin lamang siyang napaupo sa upuan kung saan makikita sa labas ng opisina ni James, naghihintay siya roon kasama ng masasakit na pangyayari at nasasaktan niyang puso
Ang malalalim na ungol na pinakawalan ng kanyang asawa habang inaangkin ng ibang babae ang pagkatao ni James, ano ma ang hindi mas masakit roon
"Ma'am, pasok na daw po kayo sabi ni sir" mabait na sabi ng kanyang sekretarya kay Shaira, pero hindi parin maalis ang awa para rito
Agad naman siyang tumayo at kumatok muna bago pumasok sa pinto, alam niyang nakapagayos na si James dahil sa pinapasok na siya nito sa loob ng office
"Pasok!!"
Yan ang kanyang narinig bago pinihit at pumasok sa loob ng opisina ng kanyang asawa
Nadatnan niya itong nagaayos ng butunes at sabay niya nakita ang babae habang nakatapis ng tuwalya, halatang pawis na pawis ito sa kanilang ginawa dahil kita pa mismo rito ang butil ng pawis sa kanyang noo
"Hindi mo ba sinasabihan ang mga maids mo babe, na kumatok muna bago pumasok sa isang kwarto" maanghang na paanyaya ng babae habang pinaparinggan si Shaira, pero tanging tagos lang sa kanyang tenga ang sinabi ng babae.
"Ano nga pala ang dala mo at nagugutom na kami" tanong ni james kay Shaira habang inaayos ni Shaira ang mga kakainin ni James, agad namang nagtungo si Shaira sa mini kitchen ni James upang ipaghain nito ang kanyang asawa
"Curry at steak" tipid na sagot ni Shaira kay James habang patuloy parin sa pagaayos ng kakainan ni James, pinaghanda niya ang asawa ng dalawang plato dahil para sa kanya at sa kabit ng kanyang asawa
Diba, ang bait niya !
"Babe, ayoko ng curry at steak, gusto ko yung lasagna"malanding puna ng babae kay james, kaya biglang nagpanting ang tenga ni Shaira ng marinig niya ang request ng malanding kirida ni James
"Okay...okay! Dun nalang tayo sa labas kumain" agad silang tumayo at napatingin nalang si James kay Shaira " ligpitin mo nalang yan o kaya itapon, dun nalang kami sa labas kakain. Nakakasawa na kasi ang mga pagkain mo"
----------------------------------------------------------------------
Since 500 lang ang kaya ng cellphone ko kasi nag lologged , seseparate ko nalang every 500 words na ma tipa ko
Enjoy reading
Please Vote and Follow me
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
Roman d'amourHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife