~~~*~~~

7.4K 109 5
                                        

"Mommy!!"narinig naman nila ang pagdating ni Eman kaya napatayo si Shaira sabay hinablot si Claudette patungo sa kinaroroonan ni Eman

" pumunta na kayo kay Lolo niyo. Akin na yang mga binili niyo ako nang bahala"kinuha ni Shaira ang mga biniling stuff toy na siyang nagustohan nang mga bata. Tiningnan muna niya ang mga bata nang lumabas sila sa store at pumasok sila sa Fast Food chain na kinainan nila kanina



Bahagyang pinahid ni James ang isang butil nang luha na siyang dumanak galing sa kanyang mata. Mahirap man tanggapin ang sinabi ni Shaira kanina na isa lang siyang estranghero para sa babae

"Anong ginawa mo dito" malamig na saad ni Shaira kaya napatingin siya sa kanyang likoran upang makaharap ang babae

"Wala napadaan lang" saad ni James na may seryoso ang pagkakasabi

"As far as I know, hindi ka mahilig sa mga laruan. Bakit parang nagbago ka na ata ang taste mo, imbis na feeling ang nilalaro mo e totoong laruan na pala" napapangiting aniya ni Shaira habang si James naman ay hindi makaimik sa sinabi nang babae. Totoo naman ang sinabi ni Shaira kay James mapanglaro nang feelings

"Matagal na panahon ko nang itinigil iyon. Simula nang iwan mo ko ikaw na ang hinahanap nang puso ko" deretsang saad ni James na siyang dahilan upang mapatawa si Shaira nang pagak "hindi ko sinasadyang saktan ka --"

"Hindi ako nagpunta rito upang pagusapan yang mga hinaing mo. Ang ipinunta ko ay tigilan mo na ang paglapit sa mga anak ko" matigas na saad ni Shaira

"Bakit pilit mong pinapalayo sa mga anak ko" napatameme si Shaira sa sinabi ni James, dahil hindi niya aakalaing malalaman niya agad na anak niya ang dalawa "alam kong anak ko ang dalawang batang iyon, dahal kamukhang kamukha ko ang batang lalaki na kasama niyo"

Hindi naligilang tumulo ang luha ni Shaira pero agad naman niya itong pinahid "wala kang anak sakin" matabang na aniya nang babae "simula nang iwan kita ay pinutol ko na ang koneksyon ko sayo. Kaya wala kang koneksyon sa mga bata dahil simulat sapol palang hindi ka karapat dapat na maging ama sa kanila"

"Shaira!!!" napatigil si Shaira nang marinig niya si Fred sa kanyang likoran pero nanlaki ang kanyang mata dahil sa kasama niya si James sa isang lugar baka kung ano ang isipin ni Fred sa kanya

Agad naman napatalikod si Shaira at nilapitan si Fred "may pinaguusapan lang kami"

Napatango naman si Fred na tilay kobinsido sa paliwanag ni Shaira "pumunta ka na tito, hinahanap ka na nang mgat bata" napatango naman si Shaira habang bakas ang pagaalala sa kanyang isipan na baka maya mangyaring ayaw sa kanila ni James.

Ilang sandali pa ay napaalis na si Shaira sa store kaya mariing nagtatangis ang mga matang ipinukol ni Fred kay James

"Ano na naman ang gusto mong mangyari Villacorta?"seryosong saad ni Fred kay James habang si James naman ay walang imik sa mga tanong ni Fred "Ano ang pakay mo ag buntot na buntot na buntot ka kay Shaira"

"Ang maangkin ang pamilya ko!!!"



----------------------------------------------------------

Please Vote and Follow me ✌✌✌

@DancingFucker 💋💋💋

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon