"Ganoon ba"malungkot na saad su Shaira dahil sa alam niya ang dahilan dahil binitin niya si Fred sa kanilang ginawa kanina
Pero napawi ang kanyang atensiyon nang marinig niya ang telepono ni Karen na tumutunog pero agad naman iyong dinampot ni Karen upang sagotin. Pero habang minamasdan niya si Karen ay parang kumakaba ang kanyang dibdib, kinakabahan siya sa mga ekspresyon ni Karen na hindi niya mawari
"Ma'am si sir James daw po" mariin namang napalapit si Shaira sa kanyang secretary dahil sa kinakabahan rin ito na halatang halata sa kanyang ekspresyon "naaksedinti daw po siya"
Mariin namang napahawak si Shaira sa kanyang dibdib dahil sa nararamdaman niya hindi niya maunawaan ang sarili bagkus ay naramdaman niya ang luha na siyang umagos sa kanyang mata.
"Kanina tinawagan ko siya kasi naiwan niya ang dala niyang shopping bag pero hindi niya iyon nasagot dahil sa biglang naputol ang linya nang kanyang telepono" saad nj Karen habang di mapakali at nanginginig ang kamay. Nasa sasakyan silang dalawa ngayon ni Shaira at karen habang nagmamadaling pumunta sa ospital kung saan dinala si James, pati si Shaira ay hindi alam ang gagawin nang malaman nilang ang masamang nangyari kaya james ni hindi siya mapakali pero ang tanging nasa isip lamang nito ay si James. Gusto niyang makita ang kalagayan ni James, gusto niyang masilayan kung maayos lang ba ito at kung wala ba itong maraming galos na natamo sa kanyang katawan
Pagkarating na pagkarating nila sa ospital ay agad nang tungo si Shaira sa information desk upang tanongin kung nasaan si James
"M-miss, nasaan po si J-james Emanuel Villacorta" mariin niya aniya habang inaantay ang sagot nang desk assistant. Ilang sandaling paghahanap nang babae ay napaangat siya nang ulo
"Kasalukoyan pa po siyang nasa emergency room" saad ng desk assistant kaya agad siyang nagtungo sa loob upang hanapin ang emergency room pero laking gulat niya nang makita ang pamilya ni James na siyang matamang nagdadasal. Kitang kita niya ang reaksyon nang bawat isa na si Donya Carmela na halos nawala ang pagkamasiyahin, si Don Manuel na umiiyak habang inaalo naman nj Shane at Arman na siyang hindi mapakali dahil sa lakad nang lakad ito sa labas ng Emergency Room
"Arman!!"tawag niya sa lalaki na siyang dahilan upang mapabaling silang lahat. Nakita niyang nanlaki ang nga mata ni Shane na tilay hindi makapaniwala na nakita si Shaira muli, agad namang napatayo si Donya Carmela at lumapit kay Shaira
"Iha, ikaw nga!!"di makapaniwalang aniya nang matanda habang halo ang hagolgol
" Tita, huwag na po kayong magalala"alo niya Shaira sa matanda dahil sa hindi ito tumitigil sa kaiiyak nang makita siya nito "malakas si James. Alam kung kakayanin niya ang mga pagsubok na iyon" dagdag ni Shaira
"Ate Shai"iyak ni Shane sabay napayakap kay Shaira habang umiiyak pero hindi niya alam kung bakit umiiyak si Shane
." Shhhh"hagod niya sa likod ni Shane "tahan na Shane" si Shane lang ang close niya simula nang mapasok siya sa pamilya nang mga Villacorta kaya hindi maipakakaila na close talaga sila
Pero natigil ang kanilang paaakapan nang may dumating
"Nasan si James!!" tanong ni Sharmaine na may halong paaalala
----------------------------------------------------------
Please Vote and Follow me ✌✌✌
@DancingFucker💋💋💋
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)