Mariing nagtitigan sila ni Shaira at James sa paggitan nang mga nagsasayawang mga tao, kitang-kita nito ang matatamis na ngiti ni James na siyang unang mapapansin sa tuwing titingnan. Hindi makagalaw si Shaira sa kanyang kinaroroonan dahil sa papalapit sa kanya si James habang nakatitig na tila’y takot mawala si Shaira sa kanyang paningin pero hindi pinahalata nang dalaga bagkus ay napangiti na lamang siya nang makalapit ang binata sa kanya.
Nalalasap ni Shaira ang bawat halik nang lalaki na siyang dahilan upang magpatianod siya sa sensasyon na kanyang nararamdaman sa ngayon habang ang kamay naman nang lalaki ay siyang naglalakbay sa iab’t-ibang parte nang katawan ni Shaira pero hindi ito pinigilan ni Shaira dahil sa abala ito sa ginagawa ni James. Mistulang nalalasap nila ang alak na kanilang nainum kanina kaya hindi mawari ito ang dahilan kung bakit nauwi sa pagtatalik ang dalawa. Sa gabing iyon ay buong pusong ibinigay ni Shaira ang kanyang sarili sa taong hindi niya gaano kakilala pero siya namang nagbigay nang liwanag sa kanyang kaibutoran upang maramdaman niya kung ano ang pakiramdam nang pagibig sa mundong ito.
“Shaira”dali-daling napabangon si Shaira nang marinig niya ang kanyang lolo dahil sa baka may iuutos ito sa kanya pero laking gulat niya nang makita si James na nasa tabi niya ito “lolo magpapa--”hindi na siya pinatapos nang kanyang lolo sa kanyang sasabihin pero nagsinyas ito na mag uusap sila sa labas
“bago ka lumabas gisingin mo ang lalaking yan, hindi ko mapapalampas ang ginawa niya” mariing nagiba ang templa nang kanyang lolo at tila’y galit ito sa mga nasaksihan niya. Mariin na lamang siyang napayuko at napaluha.
“Tao po!!”may tumawag na tao sa labas nang bahay nila Shaira, kaya dali-dali namang lumabas ang kanyang lolo “tao po!!” nang buksan nang kanyang lolo ang pintuan nang bahay nila ay agad bumungad rito rito ang isang dalaga na siyang morena nag dating na siyang bumagay sa suot nitong damit na puti ang kulay nito.
“Ano po yun?”bati ni tatay Nestor habang inaantay ang sagot nang dalaga
“Mang Nestor, may nakita po ba kayong isang lalaki. Isang gabi na po siyang nawawala kaya nagaalala ang kapatid nito sa kanya” napangiti naman ang kapatid ni James sabay ipinakita ang larawan nang kanyang kuya sa cellphone.
Unang lumabas si Shaira sa kanyang kwarto habang nakayuko ito. Mariin ring nakasunod sa kanya si James habang ginagaya ang ginagawa ni Shaira. Habang nakayoko is James ay hindi niya pansin na nadiyaan pala ang kanyang kapatid kaya bigla siyang nagulat nang tawagin siya nito ni Shane
“Kuya!!!”nanalaki ang mga matang ipinukol niya kay Shane na tila’y hindi makapaniwala na nandoon si Shane. “umupo na kayo” mariin namang saad ni tatay Nestor na siyang dahilan upang umagaw nang pansin sa lahat. Seryoso ang boses nito na tila’y walang sino man ni isa sa kanila ang umiimik.
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
Любовные романыHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)