Hindi niya matanggap na si Fred ang nagpapasaya kay Shaira at sa mga batang dala-dala nito, pero lukso nang dugo ang naramdaman niya nang makita niya si Eman na siyang replika nang kanyang pagkatao kaya nagkaroon siya nang kutob nang loob upang sundan sila kanina.
Kaya hanggang ngayon ay nanonood siya sa kanila habang kumakain sa jollibee. Hindi siya nakapukos kay Shaira at kay Fred kundi sa dalawang bata na siyang masayang kumakain. Kaya malaki ang pagtataka niya kung bakit hindi man lamang sinabi sa kanya no Shaira ang ganito
"Kuya!!!" mariing nabawi ang kanyang atensiyon sa babaing tumawag sa kanyang, pero si Shane lang pala ito. Nakalimotan niyang may kasama pala siya papunta rito, nabawi lang kasi ang atensiyon niya nang makita niya sila Shaira kay matamang niyang sinundan sila Shaira hanggang rito
"Ano ba naman yan, kanina pa ako nag hahanap sayo!! Akala ko iniwan mo na ako, wala pa naman akong driver at ayokong magcommute! Tapos makikita kitang nakatulala rito sa tabi, teka sino bang tinitingnan mo jan hah?!!"napatingin naman si Shane sa kaninroroonan na siyang tinitingnan ni James kanina kaya naman agad na inilayo ni James si Shane
" umuwi ka nang mag isa, may inaantay pa ako rito. Mauna ka na, gamitin mo nalang ang kotse ko"agad namang ibinigay ni James ang susi nang sasakyan at agad naman itong sinalo ni Shane at napatalikod
"Umuwi ka nang maaga ha!! Alam mo naman si mommy. Paranoid kaya umuwi ka" banta ni Shane sa kanya
Hindi parin maalis sa paningin ni James ang batang dala-dala nk Shaira, hindi niya malamanlaman kung ano nga ba ang pakiramdam niya hindi niya mawari sa kanyang sarili kung bakit siya nagkakaganoon.
Inaya ni Claudette si Shaira na bumili ng isang teddy bear dahil sa naiwan daw ang teddy bear nito, pero nagpaiwan naman si Fred dahil sa walang kasama ang papa no Shaira kung sakaling iwan man niya ito
Napatayo na lamang si Shaira at agad hinawakan ang kamay ni Claudette at Eman palabas nang FastFood chain, pero hindi parin nila alam na nagmamasid si James at bahagya silang pinapanood nito sa malayo. Gusto man nang lalaki na malapitan ang mga bata pero tanging paa na mismo nito ang umurong dahil sa nababalot nang pangamba ang kanyang isipan na baka magalit si Shaira sa kanya at ito pa ang dahilan para hindi na siya lapitan nang babae, ni ayaw niyang dagdagan pa ang galit ni Shaira kaya tiniis niyang masilayan si Shaira sa malayo
Sinundan parin ni James si Shaira sa isang store na siyang malapit sa kinainan nila kanina, kaya sinundan niya parin ito at matamang minamasdan ang kanilang ginagawa. Maaring namumukhaan niya si Claudette na siyang kamukhang-kamuka ni Shaira kaya malaki ang katanongan na siyang bumuo sa kanyang isipan dahil sa baka anak niya ang dalawa at anak nila Shaira
Abala si Shaira sa pamimili nang stuff toy kaya hindi niya namalayan na pumunta si Claudette sa likoran nang stall kung saan kitang-kita ang malaking spongebob na siyang labis na kinahuhumalingan nang bata
----------------------------------------------------------
Please Vote and Follow Me!!!✌✌✌
@DancingFucker💋💋💋
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)