~~~*~~~
James POV
~~~*~~~Mariin akong napapangiti habang hawak-hawak ko ang singsing na siyang iniwan sakin ni Shaira bago siya nawala at naglaho na parang bula. Ilang taon ko na siyang inaantay pero hindi parin siya bumabalik o kung babalik pa ba siya sakin.
Hinanap ko siya sa lahat nang rehiyon nang pilipinas pero ni Shaira ay wala silang mahanap. Ano nga ba ang nanyari sa kanya bakit siya nawala, nawala siya sa piling ko dahil sa ang tanga-tanga kong gago. Sinayang ko ang pagmamahal niya at hindi ko man lamang nasuklian ang pagmamahal na iyon.
Mariin naman akong nabuhayan nang loob nang may matanggap akong balita na nakita nila si Shaira at kung saan ito nakatira, yes naghire ako nang private investigator para lang mahanap siya pero tatlong taon bago ko malaman kong nasaan siya. Pero hindi ko akalain na anak pala siya nang isang napakayaman na business tycoon kaya siguro matagal ko munang nalaman kong nasaan nga siya dahil sa hinarang siguro iyon nang taong sinasabing ama ni Shaira
Matapos akong lokohin ni Sharmaine ay hindi ko man lang nagawang iparamdam kay Shaira ang pagmamahal ko sa kanya kahit na nahuhulog na ang loob ko sa kanya pero pinigilan ko iyon dahil sa si Sharmaine ang palaging sinisigaw nang isip ko. Kahit masaya akong nakikita siyang nagluluto tuwing umaga at kinakain ang masasarap nitong ulam ay hindi ko man lang natumbasan ang pagmamahal niya bagkus ay pasakit lamang ang ginawa ko sa kanya dahil sa palagi kong dinideny na mahal ko na pala siya
Ibinalik ko na lamang ang singsing na siyang hawak hawak ko kanina at inilagay ito sa bulsa ko at tinapos ang pagkain. Pero hindi lumagpas sa tenga ko ang boses na iyon, ang boses na siyang matagal na gusto kung marinig, ang taong gusto kong mayakap at pahalikanAgad ibinaling ang aking paningin sa taong nagsalita malapit saking mesa pero bahagya itong nakatalikod dahil sa nakaharap ito sa labas habang kumakain. Pero namamalik mata lang ba ako, dahil sa hindi maaaring si Shaira ang nakikita ko ngayon dahil sa iba manamit si Shaira sa kanya. Hindi mahilig si Shaira sa mga maiiksing damit na kulang na lang ay makitaan at ni kahit kailan ay hindi niya nakita itong nakasoot nang takong kaya imposibling magkahawig sila nang boses ni Shaira
Narinig ko ulit ang pagtawa niya pero hindi ako nagkakamali dahil pareho sila nang tawa ni Shaira, kaya hindi ko inalis ang titig ko sa kanya bagkus ay pinagmasdan ko ang mga galaw niya pero nabigla ako nang tumagilid siya upang may kunin ito sa kanyang bag kaya kitang-kita ko na Shaira nga iyon at hindi namamalikmata lamang, hindi ako makapaniwalang nagbalik na pala siya sa Pilipinas galing Amerika kaya marahil ay nagaaliw ang aking diwa nang makita siya. Hindi ako makapaniwalang malaki ang nagbago sa kanya hindi na siya ang Shaira na inosente at hindi nagsusuot nang kolorete sa mukha pero mas lalong bumagay sa kanya iyon
Pero nasira ang pagaaliw ng diwa ko nang marinig ko ang mga sinabi niya "I love you too"
![](https://img.wattpad.com/cover/131673259-288-k803900.jpg)
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomantikHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife