~~~*~~~

9.3K 134 1
                                        

Agad namang dumating si Donya Carmela at Don Manuel "James, what are you doing" usal ni Donya Carmela pero hindi na ito kumibo bagkos ay mataman niyang tinititigan si Fred at Shaira nang nag aapoy nitong mata

"Manuel!!!"sigaw ni Don manuel kay James pero walang imik parin si James halos hindi niya pinapakinggan ang mga bulong-bulongan sa kapaligiran, walang humpay parin ang binabalingan nang tingin si Fred at Shaira "James Manuel Villacorta!!!"malakas na sigaw nang kanyang ama na siyang dahilan upang tumahimik ang mga nagbubulongan sa paligid

Nagbalik naman sa ulirat si James at dahil dun agad siyang umalis sa harapan nila Fred at hindi alintana ang mga nagbubulongan sa paligid

Nasa sasakyan si Shaira at si Fred pero nagaalala parin si Shaira dahil sa sugat na tinamo ni sa pagsuntok ni James sa kanya

"Okay ka lang ba talaga?"nagaalalang tanong ni Sharia kay Fred dahil sa malaki ang pasang natamo niya sa pagsuntok ni James sa kanya

"Oo nga! Kanina ka pa tanong nang tanong e"may ngiti sa labing pahayag ni Fred pero hindi parin kombinsido si Shaira

" tingnan mo nagkukulay ube na yang labi mo"tinuro niya ang nagkuklay ube na labi ni Fred peri agad naman hinawakan ni Fred ang kamay ni Shaira na siyang dahilan upang mapatulala ito at mapatitig sa lalaki

"Halik lang ang gamot rito" pilyong saad ni Fred na siyang dahilan upang mapabitaw si Shaira sa kamay nang lalaki mariing napayuko ito. Hindi man makita ni Fred na namumula ang pisngi nang dalaga pero alam niya dahil sa hindi maitatago ang pamumula nang kanyang dalawang tenga

Hinawakan ni Fred ang kanyang baba at inangat ito upang magkapantay ang kanilang mga mukha, pero halata paring naiilang si Shaira sa ginagawa ni Fred sa kanya kaya nginitian ito ni Fred "biro lang, ikaw talaga masyado kang assuming" mapanlokong ngiti ang ginawa ni Fred

Napangiti nalang si Shaira sa biro nang binata, akala niya nagbago ang isip nang lalaki at babaliwalain nila ang kanilang usapan pero mali ang akala niya dahil sa marunong tumayo si Fred sa kanilang usapan

"Halika ka na hahatid na kita sa bahay niyo" tango lamang ang tanging na naisaad ni Shaira

Habang nasa sasakyan si Shaira ay malalim na katahimikan ang siyang bumalot sa kanilang dalawa sa loob nang kotse ni Fred, pero nasira lamang ito nang magsalita ang binata"akala ko hindi nanununtok ang asawa mo, mali pala ako"tatawa tawang usal ni Fred kay Shaira

Halos buong byahe makikita si Shaira na may ngiti sa labi, halos sa isang saglit ay nakalimotan niya ang problema niya kay James pero nagpapasalamat parin siya dahil sa nadiyaan palagi si Fred sa kanyang tabi na tanging nagpapasaya sa kanya at nagaahon sa mga masasakit na pangayayari sa buhay niya

Pagkarating nila sa bahay ni Shaira ay agad na lumabas si Fred upang pagbuksan si Shaira pero ni kahit ni minsan ay hindi nagawa ni James. Napapansin niyang ipinaghahambing niya si James at Si Fred pero totoo naman dahil sa kung ano ang ugali ni James ay siyang kabaliktaran naman nang ugali ni James

"Salamat nga pala sa paghatid sakin. Thankyou" may ngiting puna ni Shaira kay Fred. Pero agad naman napalapit ang lalaki kay Shaira at agad itong sinunggaban nang halik sa noo

"Ako nga dapat ang magpasalamat sayo dahil sa sinamahan mo ko kanina" matapos maiusal ni Fred ang mga iyon ay agad itong yumakap sa babae ngunit hindi man lamang nakaimik si Shaira dahil sa hindi niya binibigyan nang ano mang kahulogan ang pagyakap ni Fred sa kanya

Pero nagulat si Shaira nang may malalakas na braso ang biglang humigit sa kanya na siyang dahilan upang mapaalis siya mula sa pagkakayakap kay Fred

--------------------------------------------------------------

https://www.wattpad.com/myworks/131673259-devastated-wife

Link po iyan nang Story ko

Thanks for reading please vote and follow me

By:DancingFucker 💋💋💋

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon