Chapter 10💋💋💋

10.6K 117 0
                                    

"Oh my God!"gulat ni Donya Carmela at agad napatungo sa pintuan upang yakapin nito ang kanyang dumating na anak

" Mommy, I miss you so much"mariing namang napayakap ang babae kay Donya Carmela tapos ay bimeso-beso ito

"I'm glad your back Shane"maligayang bati sa kanya nang ina agad naman itong napatingin sa lalaking katabi nito

"Daddy, I miss you too" napayakap ito sa kanyang ama at agad napahalik sa kanyang pisngi sabay tapik-tapik nang kanyang ama sa kanyang likoran. Napaangat naman ito nang ulo sabay pinangonutan ito nang noo "teka, asan si kuya?"

"Nasa taas Shane, masama ang mood" sabi ni Don Manuel habang nakatingin kay Donya Carmela na siyang dahilan upang mapatingin ang dalaga sa kanyang ina

"Mommy, ano na naman ang ginawa mo" taas kilay nitong naiusal sa kanyang ina habang pinamiwangan pa"hinihingian mo na naman si Kuya nang apo nohh??"may pagkamaldita nitong saad

"Hindi ahh. Binanggit ko lang si Shaira tapos biglang nagalit yun"mariing usal nang matanda habang hindi makatitig sa kanyang anak dahil sa kitang-kita ang ekspresyon na galit ito

"Mommy dun narin papunta yun. Alam mo namang ayaw niya marinig ni unang letra nang pangalan ni ate Shaira dito sa loob nang pamamahay diba!"napailing-iling na lamang si Shane habang paakyat nang hagdan habang iniwan ang kanyang mga magulang na naka tunganga

"Kuya nandito na ako!!"masiglang pahayag niya kay James

"Hindi sana ako pupunta rito kung hindi mo lang ako pinilit at sinabing uuwi ka na" nakahalukipkip nitong saad habang nakadungaw sa bintana habang ang kamay nito ay nasa loob nang kanyang bulsa

Agad na lumapit ang dalaga sa kanyang kuya at mariing nilalambing ang kanyang kuya

"Kuya pabayaan mo na si mama. Alam mo namang nag aalala lang yun na mamatay na walang apo" malambing nitong sabi "tsaka bakit hindi ka pa nagkakaanak, hindi mo yata tinatabihan si ate Shaira kaya hindi kayo nagkakabuo?"malisya nitong sabi

"Aray!"usal nito nang batukan ni James ang kanyang kapatid na siyang dahilan kaya napa-pout ito sabay teary-teary eyes pa

"Kung anong iniisip mo ang bata bata mo pa. Alam mo namang ayaw ko sa babaeng yun simula pa dati" sabay tingin ni James sa bintana habang minamasdan ang tanawin at ang dagat na siyang may nagliliparang white dove sa baybayin nito

"Kuya. Alam ko namang ayaw mo kau ate Shaira pero bilang babae nasasaktan din kami. Kasal na kayo pero kung itrato mo siya katulong" walang prenong bigkas nang kanyang kapatid

"Hayaan mo next month, magkakaroon ka na nang pamangkin"saad ni James bago lumabas nang kwarto pero huminto muna ito" suot mo mamaya ang pinangbili ko, nakahanda na sa kwarto mo sama kayo sakin mamaya"sabay naman ang pag irap ni Shane sa kanyang kuya bago ito makalabas nang silid

Nakadungaw lamang siya sa tanawin at iniisip ang mga nangyari noong panahon noong nakilala niya si Shaira. Para sa kanya isa itong mahinhin at desenting babae, na halos hindi makabasag pinggan dahil sa kitang-kita rito ang kaanyoang pisikal na di makabasag piggan. Siya ang dahilan kung bakit naikasal ang kanyang kuya sa babaeng hindi nito mahal kaya malaki ang naging kasalanan niya kay Shaira at James

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon