Chapter 20💋💋💋

11.2K 142 1
                                    


Mariing napagising si James dahil sa sinag nang araw na siyang dahilan upang mapamulat ito dahil sa aliwalas na kanyang nakikita. Pero hindi parin siya bumabangon bagkus ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagtulog hanggang sa biglang lumabas sa kanyang isipan ang mga nangyari kagabi nila Shaira. Agad siyang napabalikwas sa kama at mariing napatakbo pababa nang hagdan pero wala siyang nakita ni anino ni Shaira. Tapos noon ay agad siyang nagtungo sa kusina kung saan palagi niyang nadadatnan si Shaira habang nagluluto nang agahan pero wala siyang nakitang Shaira na palagi niyang naabotan habang nakangiting nagluluto.


Nagmamadali siyang umakyat sa kwarto dahil nag babakasakaling nandun ang asawa”Shaira!!”tawag niya pero ni boses ni Shaira ay wala siyang narinig, pagpihit niya nang pinto ay agad niyang inikot ang kanyang paningin upang tingnan kung nasa loob na si Shara pero bigo siyang mahanap ang babae. Walang gana siyang bumaba nang bahay at agad nagtungo sa kusina dahil wala si Shaira dahil na gugutom na siya. Pero nasanay na itong palaging nadadatnan ang asawa na nagluluto sa kusina kada umaga, kaya nagtataka si James dahil bakit wala si Shaira ngayon.




Buong araw na nag antay si James kay Shaira at gabi na ngayon pero bigo ang kanyang paghihintay dahil sa hindi umuwi ang asawa. Nasa kaibigan niya kaya yun, kasi kung nasa kibigan niya yun ay magpapaalam naman yun sa kanya, ang siyang nasa isip ni James. Mariin na lamang siyang napatingi sa kisame habang nakapikit at iniisip si Shaira.



Napamulat si James nang kanyang mata ngunit labis ang kanyang pagtataka dahil umaga na at bakit sa sala siya natutulog. Hindi ba talaga umuwi si Shaira o sadyang may pinuntahan lang ito kaya napatagalan ang pag-uwi. Napatayo siya at agad kinuha ang susi ng kotse sa drawer niya dahil may nais lang itong puntahan. Habang nagbabyahe si James patungo sa kanyang paruruonan ya bigla na lamang kumalam ang kanyang sikmura kaya napadesisyonan niyang magtungo sa isang Fast food upang kumain.

Pagpasok niya pa lang ay agaw atensiyon na siya sa mga taong kumakain, pero hindi niya ito pinansin dahil sa gutom na siya at ayaw niyang abalahin ang sarili sa iba dahil sa may pinoproblema pa siya

Napangiti naman ang cashier sa kanya habang kinukuha ang order niya pero poker face lang ang kanyang ipinakita. ‘’Isang B1, extra rice na rin kasamang Cokefloat”saad ni James na siya namang kinuha nang cashier ang kanyang bayad.

Habang nagoorder siya ay nakita niya si Fred na nag oorder sa kabilang lane. Pero ngiting aso lamang ang siyang nagawa ni James kay Fred.

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon