Ilang araw na ang nakalipas mula nang makita ni James si Shaira sa restaurant, habang nasa opisina si Shaira ay nakatanggap siya nang email sa laptop niya. Habang binabasa niya ang email na iyon ay nalaman niya na may pinadala pala ang kanyang papa sa kanya at naka Arman niya ito ibinigay kaya marahil ay nakauwi na ito ngayon
Tinawag naman ni Shaira ang sekretarya niya sa labas since wala si Karen dahil sa nasa Amerika pa ito at susunod na buwan pa ito dadating sa pilipinas dahil sa may inaasikaso pa itong mga papeles at iba pa bago sila makabalik nang pilipinas
Matapos niyang utosan ang kanyang sekretarya ay bigla naman ang pagtunog ng kanyang entercom na siyang agad pinindot upang sagotin iyon
'Ma'am, pupunta nalang daw po dito si Mr. Rodriguez dahil sa may kailangan pa po daw kayong pagusapan at idiscuss"saad nang sekretarya ni Shaira
"Okay" pinatay na niya ang entercom at mariing napakuha sa kanyang telepono upang malaman kung nagtext ba sa kanya si Fred o tumawag ba sa kanya ang anak pero wala ni misscall ang nakita niya sa telepono niya, napapangiti parin siya sa surpresang natanggap niya kay Fred at agad nahawakan ang kwintas na siyang hugis araw na kulay gold
Habang nakangiti siya ay narinig niya na may kumatok sa kanyang opisina, agad naman siyang napabaling doon at nakita ang pagpigit nang siradora nang pinto. Kaya mariing napaawang ito pero nabigla siya nang hindi pala si Arman ang taong pumasok sa loob nang kanyang opisina
Hindi makaimik si Shaira sa kanyang nakikita ngayon dahil sa hindi si Arman ang pumasok sa kanyang opisina kundi si James. Si James na ang lalaking nanakit sa kanya noon.
Hindi napakurap si Shaira sa kanyang nakikita kaya agad niyang ibinaling ang kanyang atensiyon sa iba at mariing nagsalita "akala ko ba si Mr. Rodriguez ang magdadala nang papelis na binigay ni papa. Bakit hindi siya tumutupad sa mga sinasabi ni, ang ayoko sa tao yung mga sinungaling!!"galit niyang saad habang pindot ang entercom.
" Sabi niya po, siya si Mr. Rodriguez"paliwanag nang kanyang sekretarya, ano nga pala ang magagawa nito. Alam niya namang magkaibigan ang dalawa kaya wala siyang magagawa para doon.
Napaupo naman sa harap niya si James na agad namang binalingan ni Shaira, pero agad niyang kinuha ang papeles na siyang nasa kamay ni James at agad binasa. Pero may kailangan pala siyang pirmahan dahil doon kaya agad siyang kumuha nang ballpen at pinirmahan ang nasabing papeles
Mahaba-haba naman ang binasa ni Shaira kaya maaring hindi niya napansin na andun parin si James na siyang tinititigan ang babae habang pinipirmahan ang papel na dala niya. Hindi nakatiis si James ay napatikhim siya para mapabaling ang tingin ni Shaira pero hindi niya nagawang ibaling ang tingin ni Shaira sa kanya bagkus ay tumikhim pa ito nang malakas para mapansin siya ni Shaira kaya napabaling na lamang ang atensiyon ni Shaira sa kanya
Pero matatalim na titig ang ipinukol nang babae rito kaya hindi magawa ni James na makapagsalita

BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife