"Kaya ko ang sarili ko Fred" saad ni Shaira at napatingin sa lalaki "hinding-hindi na nila ako basta matitinag" matigas na saad ni Shaira
Hindi na lamang umimik si Fred sa sinabi ni Shaira bagkus ay pinagpatuloy niya na lang ang pagmamaneho sa sasakyan upang makauwi sila sa bahay ni Fred. Actually isang linggo nang nanirahan si Shaira sa bahay nila Fred mula nang malaman nang lalaki na andito na siya sa pilipinas ay pinuntahan niya si Shaira at kinuha ang mga gamit nito sa office. Hinda naman nakaimik si Shaira nang gawin iyon ni Fred dahil galit ang lalaki sa pagsisinungaling nito kaya pwersahan siyang napasaman kay Fred.
Pagkarating na pagkarating nila sa mansion ni Fred ay agad siyang pinagbuksan nang lalaki nang pinto, pero natutuwa siya sa simpling effort na ginagawa nang lalaki sa kanya.
Pagkapasok nila sa bahay ay tahimik ito na tilay natutulog na ang lahat nang tao, binuksan naman ni Fred ang ilaw nang sala nang makapasok sila sa loob ang mansion. Hahakabang na sana si Shaira nang hawakan ni Fred ang kanyang braso at hinablot ito bago siya isinandal sa pader at sabay hinalikan nang mapupusok na halik. Hindi naman ipinagkait ni Shaira ang gusto ni Fred bagkus ay hinayaan niya ang lalaki na sakopin nito ang kanyang labi, mariin naman siyang napapaungol nang naglalakbay ang kamay nang lalaki sa kanyang katawan pero natigil ang gagawin ni Fred nang marinig nila ang isang tikhim na siyang umalingawngaw sa loob ng mansion kaya mariin silang napabaling sa taong iyon
Namumula ang mukha nilang dalawa nang makita nilang ang ina pala ni Fred ang siyang umagaw sa kanila nang atensiyon. Pero imbis na galit ang mapinta sa mukha nito ay kabaliktaran naman iyon. Kilala ang ina ni Fred na may paninindigan sa sarili at strikto sa lahat kaya ayaw i Shaira ang sumama kay Fred dahil sa natatakot ito sa ina nang lalaki na baka kesyo kung ano ang masabi nito sa kanya.
"Fred, hindi kita pinalaking para magmadali sa ganyan" seryosong saad nang kanyang na siyang dahilan upang mawalan nang dugo ang mukha ni Shaira na tilay namumutla ito "magpakasal ka muna bago mo gawin iyon" dagdag nang kanyang ina na may halong ngiti sa labi
Napatingin naman ang ina ni Fred sa kanya, pero nanginginig ang kalamnan ni Shaira nang balingan siya nang ina ni Fred ng tingin
"I'm happy with your relationship iha" ngiting saad nang ina ni Fred "don't worry I will not cross the line. Hindi na ako mangingialam sa relasyon niyo ni Fred, I will let my son do what he wants" sabay tingin sa kanyang anak
Ayaw kasi nang ina ni Fred sa babaing minahal dati ni Fred dahil sa mukha daw itong pera at Maria Ozawa.
"Salamat Ma!!"saad ni Fred habang ngiti lamang ang iginanti niya sa kanyang anak
" Huwag ka nang mailang Shaira, magiging mother-in-law mo na ako balang araw"napaangat naman nang tingin si Shaira rito "but promise me. Make my son happy" saad niya na parang namamaalam
-----------------------------------------------------------------
Please Vote and Follow me ✌✌✌
@DancingFucker💋💋💋

BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife