Matapos nang ilang araw ay sariwa parin para kay Shaira ang nangyaring pagsampal ni James sa kanya
Naglilinis siya ngayon nang bahay pagkatapos ay labhan ang mga gamit ni James. Ayaw pa naman ni James na maraming nakatambak na labahin
Habang inisa-isa ni Shaira ang mga labahin ni James ay may napansi itong matigas na bagay na siyang nakalagay sa bulsa nang pantalon ni James. Kinuha niya ito at agad napakunot ang noo ni Shaira, curious siyang buksan ang box na hawak niya ngayon at baka pagalitan pa siya ni James dahil sa pinakikialaman niya ang mga gamit nito
Pagbukas ni Shaira ay agad siyang namangha sa nakita niya. Isa itong wedding ring na kung saan isang pink diamond ang maka lagay sa gitna nito
Napaisip si Shaira sa pink diamond ring na binili na James kung para ba ito sa kanya at labis na napangiti si Shaira sa kanyang iniisip pero nawaglit iyon dahil ang pagkakaalam niya ay hindi pa siya nito binilhan nang ano mang bagay mula noong kasal nila, o kaya para ito sa mama ni James dahil sa malapit na ang anniversary nang pamilya nito
Itinabi na lamang ni Shaira ang box sa side bed ni James at agad nagpasyang maglaba dahil baka mauubosan siyan nang oras kaiisip sa sing sing na iyon na hindi naman para sa kanya
Habang nagsasampay si Shaira ay naalala niyang tawagan ang kambal dahil sa namimiss na niya ang mga ito. One time kasi noong bumisita ang mag kakambal sa kanya ang nilooban ito ng masasamang lalaki
Kanina pa naghahanap si Shaira sa Cellphone niya pero hindi niya ito mahagilat kahit saan, hanap nang hanap siya sa loob nang kwarto niya ngunit hindi niya ito makita
Binuksan niya lahat ng pintuan sa bahay at agad nangtungo sa kanilang home landline at di-nial ang number ng cellphone niya. Ilang sandali pa ay nagriring ito hanggang sa sinagot ito
"Hello" namamaos na boses ang narinig niya sa kabilang linya
"Hello po, kayo po ba ang nakapulot ng cellphone ko" maginoong tanong niya sa kabilang linya
"Shaira? Ikaw ba to?"napakonot ang noo ni Shaira habang inaantay parin ang susunod na sasabihin ng lalaki sa kabilang linya " si Fred to Shai, naiwan yung cellphone mo kahapon sa kotse ko"
"Ikaw pala Fred, pwede ko bang kunin ang cellphone ko" parang batang sabi ni Shaira na parang takot pagsabihan nang kanyang mga magulang
'Okay, okay. Dun nalang kita aantayin sa grocery store"binaba na ni Fred ang linya at agad naman itong ibinaba ni Shaira matapos marinig ang mga totot sa kabilang linya
Nagtataka si Shaira kung bakit agad binaba ni Fred and telepono dahil sa nagmamadali ang lalaking makita muli si Shaira
Agad na tinapos ni Shaira ang mga isasampay upang makapaghanda ito dahik ayaw niyang paghintayin ang binata sa kanilang tagpoan
Nagmamadali si Shaira na pumara nang taxi dahil ilang sandali nalang ay mala-late na siya. Alam niya namang malapit sa kanila ang mall na sinasabi ni Fred pero natagalan siya dahil ang bagal nang daloy nang tubig kaya nag antay muna siya nang sandali para mapuno yung baldi nang tubig
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)