Mariing nakapangalumbaba si Shaira sa kanyang mesa dahil sa wala itong magawang trabaho sa ngayon dahil halos na tapos na niya lahat nang gagawin niya.
Ilang sandali ay pumasok ang kanyang bagong sekretarya dahil sa inaasign ang lalaking nagsundo ni Shaira sa airport sa ibang branch nila sa pilipinas. Tagaktak na takong ang sumalubong kay Shaira nang maglakad ang kanyang sekretarya dahilan para mapaangat siya nang tingin.
"Ma'am may ipinabibigay po ang papa niyo" saad nang sekretarya ni Shaira sabay lahad nito sa maliit na sobre. Agad niya naman itong tinanggap at binuklat upanv tingnan ang sobre na siyang ibinigay sa kanya ng kanyang secretary
Isa itong invitation galing kay Mr. Lee na siyang business partner nang kanyang papa na nagmamanage nang isang malaking kompanya about clothing. Napangiti naman si Shaira nang makita niya ang sobre dahil sa naiimagine niya na kasama niya si Fred na naglalakad sa isang red carpet
Mariin namang napatanga ang lahat nang paparazzi nang makita nilang lumabas si Shaira sa kotse na siyang ginamit ni Fred papunta sa event kung saan ginaganap ang nasabing victory party
Halos kitang-kita sa mga mata nang tao labis na pagahanga nila kay Shaira na tilay nakakita ito nang isang dyosa na ngayon lang nagexist sa mundo. Ngiti lamang ang nagawa ni Shaira dahil sa suot nitong pulang mermaid gown ay mas bumagay sa kanyang balat ang nasabing damit na suot, si Fred naman ang escort nito nang papasok sila sa sikat na Shangrila hotel.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tilay kitang-kita ni Shaira ang nagliliwanag na mga chandelier na siyang nagbibigay liwanag sa paligid. Marami ang namumukhaan niya at karamihan naman nito ay kakilala niya at nang kanyang ama. Binabati niya ito isa-isa at kinakamusta, ganoon kalakinang nagbago sa buhay ni Shaira nang nagsimula siya na maghandle nang kanilang kompanya
Sa umpisa ay hindi pa siya gaano kabisado ang mga gawain at hindi niya pa kilala ang naglalakihang mga businessman. Pero nang mapasok niya ang mundo nang negosyo ay hindi na siya ang Shaira na siyang mang-mang at walang alam, kaya nagpapasalamat siya sa kanyang lolo dahil sa wala siya sa kinatatayoan niya ngayon kung walang tulong ng kanyang lolo
Habang nagkikipah usap si Shaira kay Mr. Lee ay napansin niyang lumapit si James sa kanilang dalawa ni Mr. Lee at umalis pa si Fred dahil sa may kinuha ito. Hindi naman maiwasan ni Shair ang maalala ang nangyari sa kanila ni James sa kanyang opisina, dahil nagawa niyang ipakaladkad ang lalaki palabas ng building dahil sa nagmamakaawa ito na patawarin siya nang babae, pero kasing tigas ng bato ang puso ni Shaira na tilay kahit anong gawing piga nito ay hinding-hindi ito magagalaw o masisira man lang na tilay isang mataas na pader ang siyang nasa pagitan nila James
Hindi nagawa ni Shaira ang iwasan si James dahil sa bastos kung tignan kapag iniwan niya si Mr. Lee na nagsasalita tapos bigla nalang siyang aalis sa harapan nito.
Nakangiti naman si James nang balingan siya ni Mr. Lee dahil sa napansin nang matanda ang presensiya nang lalaki