Napauwi nang maaga si Shaira dahil sa hindi ito nakapasok sa loob nang opisina ni James. Alam niyang hindi na siya makakapasok dahil sa iba ang sekretarya nito at kailangan niya pa nang appointment para makita si James sa loob nang opisina
Tanging malalim na hiningan ang pinakawalan ni Shaira dahil sa malungkot ito
"Sana naman kainin ni James ang mga pinadala kung pagkain" saad nito sa kanyang sarili ngunit natigil ang kanyang pagiisip nang marinig niyang tumutunog ang kanyang telepono. Agad niyang dinampot ito bago sinagot
"Hello" labis na nagunot si Shaira dahil sa hindi sumasagot ang tao sa kabilang linya "hello" ulit niya
Galit na tiningnan ni Shaira ang kanyang cellphone pero unknown number lang ang kanyang nakita
"Kung na paprank call kalang ibaba ko na to, wala akong panahon makipag biroa---"
"Teka lang ang hot mo naman" saad nang lalaki sa kanya. Pero pinangonotan niya ito nang noo. Parang kilala niya ang boses nang lalaking nasa kabilang linya" gusto ko lang namang marinig ang boses mo"
"F-fred?"di makapaniwalang usal nito sa kabilang linya
" Bingo!"tatawa tawang sagot nang lalaki. Bahagya lamang napangiti si Shaira habang hawak-hawak parin ang teleponong nasa kanyang tenga
Pinigilan ni Shaira ngumiti pero bakas parin sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan habang kausap niya si Fred "bakit ka tumatawag, bakit meron kang number ko at saan mo naman nakuha yun?"sunod-sund na tanong ni Shaira kay Fred
"Teka! Teka lang, isa-isa lang please"aniya nang lalaki habang tatawa-tawa itong sinasagot si Shaira
"Okay, okay bakit ka napatawag.? Ano na naman ang kailangan mo?" Natatawa na naman si Fred sa tanong ni Shaira ngunit napangiti parin si Shaira dahil sa tawa ni Fred na parang may mga paru-parung nagsisiliparan sa kanyang tiyan
"Actually, kailangan mo na akong ilibre na bo-bored na ako rito sa bahay wala ako kasama" reklamo nang lalaki sa kabilang linya "tsaka kailangan mo na akong ilibre no! Nagugutom na ako at nangako kang ililibre mo ko. Kaya libre mo ko ngayon"parang batang aniya ni Fred
" okay, okay. Saan mo ba gustong kumain batang.............baluga"tatawa tawang saad ni Shaira na parang nawala lahat nang problema niya sa kanyang asawa
"Baluga? Excuse me. Gwapong baluga kamo" saad ni Fred
Nasa isang Fast Food Chain si Shaira habang antay-antay kay Fred. Palinga-linga itong tumitingin sa paligid kasabay tingin sa kanyang orasan
Ilang sandali pa ay nakita niya ang isang matipunong lalaki napapasok sa loob ngunit hindi lang siya ang nakatitig rito kundi pati narin ang ibang babae na kanyang nadadaana habang humint ang mundo niya Shaira ay hindi siyang makapaniwala sa nakikita niya ngayon
Halos hindi na makakurap si Shaira sa kanyang nakikita. Papalapit at papalapit ang lalaki sa kanyang paruruonan pero hindi parin bumabalik ang babae sa kanyang katinuan
Napadunghay ang lalaki sa kanya at halos ilang pulgada lang ang pagitan nang kanilang mukha
Hindi parin makakurap si Shaira sa kanyang nakikita. Pero nagbalik lamang siya sa kanyang katinoan nang iwinasiwas ni Fred ang kanyang kamay upang magbalik ang babae sa katinoan
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
Любовные романыHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)