Chapter 44💋💋💋

7.2K 82 0
                                        

Napabaling naman silang lahat nang tingin nang marinig nila si Sharmaine habang hinihingal ito dahil sa kamamadali, pero hindi sila sumagot dahil sa hindi rin nila alam ang kalagayan ni James sa loob dahil sa panahon na nangyari ngayon ay hindi lang si Sharmaine ang nagaalala kay James pati rin ang pamilya nito

Mariin na lamang napalingon-lingon si Donya Carmela dahil sa hindi niya alam kung ano ang isasagot nito sa babae. Pero nabaling ang atensiyon ni Sharmaine kay Shaira nang libotin niya ang kanyang paningin at isa-isahin kung sino ang narito sa labas nang ER

"Anong ginagawa mo rito!!"sindak na aniya ni Sharmaine kay Shaira pero walang imik si Shaira dahil sa wala siya sa mood na makipagbakbakan kay Sharmaine. Importante para sa kanya ngayon ang kalagayan ni James ngayon kaya hindi niya na lang pinansin si Sharmaine

Pero hindi parin tumigil ang babae kaya lumapit ito kay Shaira at naalarma naman ang lahat kaya napatayo naman si Arman nang makitang hinawakan ni Sharmaine ang braso nang babae"ang tanong ko, anong ginagawa mo rito!!" matigad na aniya ni Sharmaine kay Shaira pero inalis ni Shaira ang kamay ni Sharmaine mula sa pagkakahawak sa braso nito.

"Wala akong panahon na makipagawat sayo ngayon Sharmaine kaya please" putol niya sabay titig sa babae "maari bang tigilan mo muna to"

"Sharmaine tama na yan" pigil at may awtoridad na saad ni Don Manuel "hayaan mo munang andito si Shaira, total siya naman ang asawa" napabaling naman ang tingin si Shaira kay Don Manuel nangmarinig niya ang binigkas nang matanda

"Asawa?"takang tanong ni Sharmaine kay Don Manuel sabay napabaling. Pero napatango lamang ang matanda na tilay totoo ang mga sinabi pero si Shaira ay tahimik lang na tilay hindi maproseso sa kanyang isip kung bakit niya pa asawa si James e kung divorce na silang dalawa

"Mag asawa pa sila Sharmaine, dahil hindi pumayag si James na pirmahan ang pinadalang divorce paper ni Shaira at hindi naman talaga mangyayari yun dahil kung wala ang presensiya ni Shaira sa hearing ay hindi sila papayagan nang batas na maghiwalay " saad ni Shane na siyang ikinagulat nilang dalawang pareho



Hindi labis maproseso sa utak ni Shaira tungkol sa sinabi ni Shane kanina kaya mariin lamang siyang nakatulala habang nakatigtig sa kesame nang ospital, pero napabalik siya sa kanyang ulirat nang maramdaman niya na hinaplos ni Donya Carmel ang kanyang kamay kaya mariin siyang napabaling rito

Napangiti naman si Shaira nang balingan niya ang matanda kasabay naman nito ang pagngiti nang matanda nang pilit. Hindi na siguro nakayanan nang kanyang mata na lumuha kaya tumigil na ito, pero napaalis naman si Sharmaine bigla matapos niya marinig kay Shane na tilay namumula ang mga mata nito na parang iiyak. Agad itong umalis palabas nang ospital

"Naalala ko nung party" panimula nang matanda habang haplos haplos ang kamay ni Shaira "doon kita nakita muli simula nang ikasal ka kay James"mariin paring nakikinig si Shaira sa matanda na tilay naaalala ang nangyari noong mga panahon na magkasama pa sila ni James sa iisang bahay

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon