Pagsigaw niyang yun ay agad nakakuha nang atensiyon sa mga tao, pero agad naman siyang napatigil dahil sa tumitingin na ang ibang mga bisita sa kanya. Mariin niyang tinititigan ang lalaki kung saan papaalis ito
"Kala mo kung sinong gwapo, e mukha namang aso!"nanggigigil niyang saad habang tinitingnan ang repleksiyon nito sa salamin
"Hindi ko akalaing magagawa mong mageskandalo kanina" narinig niya ang isang boses sa kanyang likoran na parang kagagaling lang sa labas at parang kakapasok lang
"Pake mo ba, hindi naman ikaw ang napahiya a" ganting saad ni Shane kay Sharmaine "at bakit ka ba nangingialam diba bisita ka lang. Dapat marunong kang lumugar kung saan ka nababagay" maldita nitong saad kay Shane
Agad namang lumapit si Sharmaine at tumabi ito kay Shane sa lababo "alam kung ayaw mo sakin"gigil na saad ni Sharmaine" pero nanggigil na ako sayo e, kaso nagtitimpi lang ako dahil sa kapatid ka nang boyfriend ko"
Napaharap naman si Sharmaine kay Shane dahilan para magkaface to face sila at sabay silang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa isa't-isa
"Mang aakit ka kaya mo nakuha ang atensiyon ni kuya. Teka lang ano kayang pinakain mo sa kanya at pati ikaw ay hindi niya makalimotan" usal ni Shane
"Mahal ako nang kuya mo. Tingnan mo niyayaya na nga niya akong magpakasal diba" agad namang ipinakita ni Sharmaine ang singsing na nasa kayang daliri
Bahagya namang nanlaki ang mata si Shane nang makita ang Pink Diamond ring na siyang nakasuot sa kamay ni Sharmaine
Labis na pinanghinaan si Shane nang makita ang singsing na siyang dahilan upang malugmok siya sa sahig nang banyo. Paano na si ate Shaira, paano pag nasaktan siya pag nakita niya ang singsing ni Sharmaine at paano kung nakita niya na. Mga tanong ni Shane na labis na bumabagabag sa kanyang isipan
Nagaantay si Fred sa labas nang banyo at inaantay nito si Shaira na lumabas. Ilang sandali pa ay lumabas si Shaira na siyang dahilan upang mapangiti ang lalaki na makita ito
"Hali ka na" aya ni Shaira habang nakikitang ngingiti ito na parang asam na asam ang tagumpay
Iba't-ibang tao ang nakikita nila sa loob nang event mga kakilala na mga negosyante na inimbita upang mapalawig ang layuning mas makilala pa ang Villacorta Corporation hindi lang sa pilipinas kundi pati narin sa ibang bansa
"Thank you Mr. Lee for coming. It's a great pleasure that you came to our event"saad ni James sa mga guest sabay naman niyang pinakilala si Sharmaine sa mga guest " By the way this is Sharmaine my..."
"Friend"saad naman ni Shane habang papalapit ito sa mga kausap ni James " right"taas kilay na aniya ni Shane
"Yes, she's my friend"pilit na saad ni James sa mga bisita pero kitang-kita sa mga mata ni Sharmaine na hindi niya nagustuhan ang pagdating na Shane. Pero agad namang napako ang tingin ni James sa kanyang kapatid at malalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya na sinasabing 'magusap tayo mamaya"
Matapos noon ay iginala ang kanyang mga mata sa loob nang hall pero natigil ang kanyang pagmamasid nang pumako sa kanyang paningin ang isang babae kong saan nakatitig rin ito sa kanya
"Ate Shaira!"
-----------------------------------------------------------
Press the button bellow✌✌✌
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)