Mariin namang hindi makatulog si Shaira dahil sa hinihintay niya pa ang mga tawag ng police kung may lead na ba kung saan matatagpuan ang mga anak niya. Pero kahit pagod na siya ay hindi parin siya nagpapahinga dahil sa gusto niyang malaman kung nasaan nga ba sila ni Claudette at Eman kung sakaling tumawag man ang mga police.
Nandito siya ngayon sa ospital dahil sa binabantayan niya parin si James dahil sa hindi pa ito makalabas dahil sa may bali pa ito sa kanyang kanang braso na kailangan pang gamotin. Samantalang ang kanyang papa at si Donya Carmela naman ang siyang nakikipag ugnayan sa mga poloice, gusto niya mang sumama rito pero pinagbawalan siya ng kanyang papa dahil sa baka makakasama raw ito sa kanya kung sasama pa siya. Mas mainam na bantayan niya na lang si James dahil mas kailangan niya nang masasandalan sa oras ng ganitong sitwasyon
Matamang hinahagod ni Shaira ang ulo ni James habang natutulog ito, pero bigla niya lang napansin ang pagiyak ni James na wariy hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagiyak nito. Pero sa tuwing nakikita niyang nasasaktan si James ay nasasaktan rin siya na parang pasan-pasan niya ang problema ng lalaki. Mariin niyang napahid ang ang mga luhang tumulo sa mga mata nito.
Malaki man ang naging galit niya sa asawa ay nagawa niya paring patawarin iyon sa kabila nang lahat dahil sa ang puso na niya mismo ang nagtulak upang patawarin ang lalaki sa mga nagawang kasalanan nito sa kanya. Sadyang mahal niya lang talaga si James dahil sa madali lang para sa kanya ang mapatawad ito. Ang akala niyang magiging masaya na ang kanilang pamilya ay hindi pa pala nagkatotoo dahil sa may problema na naman ang dumating sa kanilang buhay, ang pangarap niyang buong pamilya ay hindi pa niya nakakamtan.
Minamasdan niya si James habang natutulog ng mahimbing dahil sa naaalala niya si Eman sa tuwing nakikita niya si James na natutulog. Sobrang miss na miss niya na ang dalawa, gusto na niya itong makasama at mayakap, hindi niya napigilang halikan ang noo ng lalaki pero matapos niyang halikan iyon ay narinig niya ang pagsara ng pinto kaya napatingin siya sa bandang iyon. Alam niyang may taong nakatingin sa kanya kanina kaya agad siyang nagmadaling buksan ang pinto at sinundankung sino man ang taong nakatingin sa kanya kanina
Pero pagdating niya sa hallway ay nakita niya ang korba ng katawan ng lalaki na tilay hindi siya nagkakamali na si Fred iyon. Gusto niyang tawagin ang lapitan ang lalaki pero hindi niya magawa dahil sa parang nakain na niya mismo ang kanyang dila na tilay hindi na makapagsalita. Pero nilakasan niya parin ang kanyang loob at mariing tinawag ang pangalan ni Fred
"Fred!!" aniya niya kaya mariin napatingin ang lalaki sa kanya, hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha ni Fred pero sa pagkakaalam ni Shaira nasasaktan ito. Hindi niya kayang lapitan ang lalaki dahil sa nakokonsensiya siya sa ginawa niya kay Fred, niloko niya ang lalaki at pinaasa niya ito na parang bata
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)