Nanlilisik na mga mata ang ipinukol ni Shane sa babaeng katabi nang kuya niya sa sasakyan, kung nakasusugat lang ang titig ni Shane ay matagal nang bumabaha nang dugo sa sasakyan ni James
"Sinabi ko naman sayo kuya na dun nalang ako sa kotse nila mommy" usal nito habang masamang nakatitig sa babaeng katabi ni James sa sasakyan
"Hayaan mo na sila Daddy na magkasama sila Mommy, eepal ka pa sa kanila e" biro ni James sa kanyang kapatid pero hindi parin nagbago ang expresyon ni Shane imbis na mawala ang inis nito sa mukha ay inirapan pa ang kuya nito na nakatingin sa side mirror nang sasakyan
"Bakit kasi sa dinamirami nang isasama mo yang babae pa. Hindi ka ba mahihiya may asawa kang tao"walang prenong sagot ni Shane sa kanyang kuya
"Tama na Shane, hindi ko nagugustohan ang sinasabi mo" saway nang kuya nito dahil baka kung anong isipin ni Sharmaine kung ganon
"Tama na babe, pabayaan mo na. Bata pa yan kaya hayaan mo na" pigil ni Sharmaine kay James. Dahil sa kung hindi ito pinigilan ni Sharmaine ay baka mag away pa ang magkapatid
Hindi na muling kumibo si Shane dahil sa ayaw niya nang gatulan pa ang kuya kundi ayaw niyang marinig muli ang boses nang babaeng kasama ni James sa tuwing sinasaway nito si James na pigilan ang temper nito
Kahit boses palang si Sharmaine ay hindi mapalagay si Shane na parang nangangati ang kanyang lalamonan at gusto niya pasakitan nang salita si Sharmaine
Pagkarating na pagkarating nila Shane sa event ay agad siyang bumaba at naglakad sa red Carpet, hindi na niya hinintay pa ang kanyang kuya bagkos ay nagpalakad-lakad ito sa red carpet habang kinukunan nang larawan ng mga paparazzi. Ngiti naman ang iginanti ni Shane sa mga taong kumukuha nang larawan niya, sa totoo lang ay ayaw lang niyang makasa sa picture nila ni James dahil sa hindi siya bitter kundi ayaw niya lang magkaroon nang picture with Sharmaine
Napamangha naman si Shane sa mga nakita niya. Halos lumuwa ang mata niya nang makita ang loob ng event, ibang klase na talaga ang kuya niya hindi niya mawari kung nanaginip ba siya. Ngiti ang tanging nakapaskil sa mukha nito at hindi mawari kung ano ang mga nanyayari sa kapaligiran
"Good to see you here, Caramel" napatigil ang kanyang paglilibot sa paligid nang marinig niya ang boses na ayaw niyang marinig kahit kailan
"Ikaw??!!"iyon ang mga katagang naiusal ni Shane sa taong kaharap niya ngayon pero tanging mapangakit na ngiti lamang ekspresyon na ipinakita nang lalaki na tanging galak na galak itong makita ang babae
iwinasiwas nang lalaki ang kanyang mga kamay upang mawala ang pagkatulala nang babae at mabaling ang atensiyon nito sa kanya" akala ko hindi na kita makikita muli"saad nang lalaki habang tigang bagang niyang tinititigan ang babae
"I-ikaw b-bakit ka nandito" saad ni Shane nang makabawi ito "Akala ko ba bawal ang aso rito"
"Excuse me, gwapong aso kamo" sabay kindat nito at umalis pero agad namang nagsiakyatan ang dugo nang dalaga
"Aso!! Aso!!"nasisigaw na sabi ni Shane
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
Любовные романыHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)