~~~*~~~

9.6K 132 3
                                        

"Basta anytime pwede kang pumunta nang bahay" ngiti ang ipinuna nu Shaira kay Shane tsaka naman siya yumakap sa babae

"Shane" napatigil si Shaira sa pagyakap kay Shane nang marinig niya ang boses ni James. Agad naman siyang napatingin kay James na siyang dahilan upang kilabotan siya at panginigan nang katawan, halos silang tatlo ni Fred ang siyang nakatingin sa kinaroroonan ni James pero tanging mga ingay lang nang mga nagtatawanang tao ang naririnig nila sa loob at ni hindi man lamang sila nagsasalita kahit si Shaira ay di halos makahinga dahil sa kanyang nararamdaman ngayon

Pero biglang nawala ang kanyang kaba nang makita niyang papalapit si Sharmaine kay James na siyang agad yumakap sa braso nito na parang linta, imbis na kaba parin ang nananatili sa kanyang dibdib bagkus ay nagbago ang kanyang nararamdaman. Nasasaktan siyang nakikita ang dalawa, nasasaktan siyang nasa piling nang ibang babae si james at napapasaya siya nito

Mariin paring nakatitig si James sa kanya na wari'y sinasaulo ang bawat linya nang mukha ni Shaira, pero biglang naputol ang kanilang pagtitigan nang marinig ni James ang pagtawag ni Shaira

"J-ja-james!"sa wakas ay natoto rin si Shaira na tawagin si James sa harap nang ibang tao, hindi yung palaging nasa tabi at nananahimik. Agad namang napatingin si Sharmaine sa kanya at napaismid kay Shaira

Naramdaman naman ni Shaira ang paghawak nang kamay ni Fred sa kanya pero pilit niyang inaalis yun dahil sa hindi siya komportable kundi hindi niya kayang makita ni james na hinahawakan nang ibang lalaki ang kanyang kamay dahil para sa kanya handa niyang si James sa kanyang kamay kung bibigyan siya nito nang pagkakataon na patunayan na mahal niya ang lalaki, pero hindi niya nagawag tanggalin ang kamay ni Fred dahil masyadong malakas si Fred para matanggal niya ang kamay na iyon

Agad namang napatingin si Shaira kay James pero tanging blangkong ekspresyon ang ipinukol ni James kay Shaira ni tangin sinasabi nito na wala siyang pakialam sa babae, ni bahala na siya sa buhay niya kumbaga

Pilit mang itanggi niJames na ayaw niya sa babae pero meron parin siyang nararamdamang kirot sa kanyang puso na wari'y hindi niya alam at kung ano ang dahilan

"Tara Shaira" agad agad namang napatingin si Shaira kay Fred. Pero tanging blankong ekspresyon lamang ang namalagi sa mukha ni Fred

Hindi na makatanggi si Shaira nang bigla siyang hilain balabas nang hall pero malaki ang pasasalamat niya dahil sa nakaalis siya sa isang hotseat na pangyayari. Nagpaubaya na lamang siya kay Fred at pinabayaan na lamang ang lalaki na dalhin man siya nito kung saan

Pero natigil sa pagiisip si Shaira nang dalhin siya ni Fred sa isang maladamong lugar na maririnig ang agos nang tubig na siyang nagbibigay ingay sa paligid, at mga bituin na nagkikislapan sa kalangitan na siyang dahilan upang magbigay nang karagdagang liwanag

Napahinto silang dalawa ni Fred subalit nakatalikod parin sa kanya ang lalaki na siyang dahilan upang pakatitigan nito ang kabuoan ni Fred. Hindi niya mawari kung ang lalaki ba ay siyang hulog nang langit para sa kanya o isa siyang guardian angel na siyang nagbabantay sa kanya dahil sa napakabait nito at nagagawa siyang pasayahin at patawanin

Natigil ang pada-daydream ni Shaira nang humarap sa kanya ang lalaki, ngunit tanging mapanguyam at mapangakit na titig ang siyang ipinukol ni Fred sa babae na siyang dahilan upang matulala si Shaira at hindi makatanggi sa halik ni Fred sa kanya

-------------------------------------------------------------

Follow me on Wattpad and read my story
@DancingFucker👈 Wattpat Author's name

Please click the button below✌✌✌

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon