Mariing napamulat si Shaira sa kanyang mata habang binubosisi kung nasaan at anong lugar ang hinihigaan niya ngayon
Bahagya siyang napabangon tsaka naman ang pagdating ang dokror
"Iha, gising ka na pala" matapos batiin ng doktor si Shaira ay agad naman ang pagdating ng isang lalaki
Nakangiti itong nakatitig kay Shaira. Nagtataka si Shaira kunkung bakit ito naka titig sa kanya, marahil ay nagtataka siya kung sinasapian ba ang lalaki o naghihingalo ito dahil sa may sakit ito
"Salamat naman at gising ka na" masayang batid nang lalaki kay Shaira
"Ako nga pala si Fred" sabay lahad ng kamay niya
Nagaalinlangan pa si Shaira kung tatanggapin niya ba ito o hindi nalang papansinin
Pero napaisip si Shaira na tanggapin nalang ang kamay nang lalaki, baka mapahiya pa ito sa doktor na kasama niya. Hindi naman masamang makipagkilala diba, ang mga katagang tumatakbo sa isip ni Shaira
"Sha-Shaira Claudine Villacorta" may ngiti niyang paanyaya, at tinanggap ang kamay ng lalaki
"Fred Nataniel Lao pala"sadyang napahinto ang mundo nito dahil sa magandang ngiti nito, mapupungay na mata at matangos na ilong. Idagdag mo pa ang makinis nitong pamamalat
Iwinsiwas ni Fred ang kanyang kamay dahil sa hindi kumukurap si Shaira, agad namang naalarma si Shaira at pinamulahan si Fred. Natawa na lamang si Fred dahil sa natulala ito
"Marahil ay epekto pa siguro iyon ng pagkahilo niya kaya siya tulala" may ngiting paanyaya ng Doktora
"Ano po bang nanyari sakin? Bakit po ko nahilo?"maang tanong ni Shaira habang inaantay ang sagot ng doktor
"Kaya ka nahihilo dahil sa depressed ka, marahil ay marami kang problema kaya yan ang naging dahilan kung bakit bigla ka nalang nawalan ng malay" napatango nalang si Shaira at napayuko " may pakilala ako sayong Psychologist, papa-sched nalang kita sa kanya"
"Di na po, wala akong perang pambayad" saad niya dahil nag aalala siya dahil sa magalit na naman si James dahil nagdadagdag naman siya nang babayaran. Baka sumbatan na naman siya nito na gastos ng gastos wala namang pakinabang
"But ma'am, kailangan niyong magamot at baka kung saan pa iyan humantong"aniya nang doktor kay Shaira
" don't worry, ako nalang ang bahala sa lahat ng expenses ang mahalaga ay magamot ka" saad ni Fred habang kinakausap nang mahinahon si Shaira
"Hindi ko kailangan nang tulong mo"agad namang tinanggal ni Shaira ang mga dextrose na nakakabit sa kanya at dali-daling bumaba ng kama
" teka lang, hindi ka pa magaling" pagaalala ni Fred
"She's okay now, pwede na siyang ma discharge. Pumunta nalang kayo sa accounting department para mabayaran niyo na ang lahat nang expenses niyo"
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
Любовные романыHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)