Parang winasak ang puso ko at dinurog nang pinong-pino dahil sa mag narinig ko sa inusal niya. Hindi ko alam kong bakit lumuluha ako, dahil ba iyon sa mga sinabi niya o sa pagbabalik niya dahil sa sobra kong saya, pero parang pinaghalo ang nararamdaman kong iyon dahil sa para akong nalulungkot na nasisiyahan
Mariin na lamang akong napabalik sa pagbaling sa aking kinakain pero tila nawalan ako nag ganang kainin iyon ni galawin ang kutsara ay hindi ko na magawa. Siguro ito yung dahilan nang parusa niya sakin o parusa nang langit, pero hindi ko susukoan si Shaira dahil alam kung matatanggap niya muli ako. Gusto kung ipadama sa kanya ang pagamamahal na hindi ko nagawa at iganti man lang sa kanya
Nagpasya akong tumayo upang lapitan ang babaing matagal ko nang hinahanap at ngayon ay nakita ko na siya at nasilayan mismo ng aking mga mata. Malayo-layo lamang siya sakin kaya naglakad ako patungo sa kanya nang malapit na ako sa kanyang kinroroonan ay biglang may yumakap sa kanya mula sa likoran kaya mariin na lamang akong napatungo sa banyo nitong resto.
Walang baling akong umalis sa kanyang kinaroroonan upang pumatungo sa banyo pero pagdating ko sa banyo ay sinilip ko sila at tilay nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Nakikita ko ang kanyang mga ngiti na siyang ngayon ko lang nasilayan muli ang mga ngiti na para sakin noon pero nakikita ko ang mga ngiting iyon para sa ibang lalaki
Napakumot ako sa aking mga kamao na parang gusto kong isuntok ito sa lalaking kayakap nang babaing mahal ko. Hindi ko matanggap ang nakikita ko ngayon, hindi ko matanggap na nakikita siyang kayakap at masayang nakangiti sa ibang lalaki na dapat ako mismo ang nasa kinatatayoan niya ngayon.
Hindi ko labis akalain na iiyak pa pala ako, ang akala ko ay kapag bumalik na siya ay magiging okay na ang lahat. Pero hindi pala, mali ang akala ko
Napapasok ako sa banyo at mariing ibinuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nakakabakla man tingnan pero hindi ko maiwasang mapaiyak sa mga nakikita, ayokong si Fred ang maging dahilan upang mapasaya ang babaing mahal. Selfish man kung tawagin pero ayokong kunin nang ibang lalaki ang mahal
Napakalaking gago ko sa buhay at hinayaan kung masaktan si Shaira nang ganun-ganon na lang. Kung hindi lang sana ako nanging bulag kay Sharmaine ay hindi sana magkakaganito. Hindi sana ako maghihintay nang limang taon para lang makita siya
Napapahid ako sa aking mga luha habang iniisip ang mga nangyari noong panahon na iniwan ako ni Shaira. Ang panahon na para akong namatayan nang isang taong mahalaga sakin dahil sa labis na galit at pagkamuhi ay hindi ko nagawang ipakita na mahal ko siya at patuloy na nagbubulagbulagan at nagbibingibingihan na may pangtingin na pala ako sa kanya.
Ilang oras akong umiyak sa banyo bago ako lumabas pero nagtataka ang mga staff dahil sa mugto ang mata ko at pulang pula ang mga ito, pero hindi ko sila pinansin bagkus ay binaligan ko nang tingin ang mesang kinauupoan niya kanina pero wala siya roon gaya nang nangyari dati ay nawala siya nang walang paalam.
--------------------------------------------------------------
Please Vote and Follow me✌✌✌
@DancingFucker💋💋💋
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)