~~~*~~~

10.5K 141 3
                                        

Matapos nang insedenting nangyari sa ospital ay hindi na ipinilit ni Fred na siya ang magbabayad

"Kung ayaw mo, ihahatid nalang kita" napaiisip si Shaira na wala siyang magagawa dahil kung di siya magpapahatid ay malamang makikita nalang siyang naka bulagta sa kalsada

Napatango nalang si Shaira bilang pagsang-ayon sa kagustuhan ni Fred na ihatid ito, dahil sa mahilo-hilo pa ang pakiramdam nito at baka mawalan na naman siya nang malay katulad nang nangyari kanina sa labas ng Grocery Store

"Saan nga pala ang mga pinamili ko?" Out of the blue na tanong ni Shaira kay Fred habang nasa sasakyan sila upang maputol ang katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa

"Nasa compartment ng sasakyan, dinala ko na pati yan kanina nang mahimatay ka"sagot ni Fred

Labis ang pagaalala ni Shaira dahil sa sumasama siya sa taong hindi niya naman kilala. Bagkos na iniwaglit lamang ito sa kanyang isipan dahil sa nagmamaganda nang loob ang tao ay iisipan niya pa ito ng masama

"Dito na tayo" pukaw nang lalaki sa atensiyon ni Shaira habang tulala ito sa kawalan, nawaglit naman sa isipan ni Shaira ang mga iniisip nito

Pababa na si Shaira nang kotse ng bigla nalang siyang natumba, agad naman siyang napapapikit dahil sa handa itong tumama ang mukha niya sa sahig ng kalsada

Pero ilang sandali pa ay agad napakurap si Shaira nang maramdaman niyang walang masakit sa kanya, na tanging matitipunong dibdib ang sumalo sa kanya

Agad napabalikwas si Shaira at labis na pinamulahan ang nangyari sa kanilang dalawa ni Fred

"Sorry" paumanhin ni Fred matapos umalis si Shaira sa posisyon nilang dalawa

Agad nagtungo si Shaira sa likod ng sasakyan upang kunin ang mga pinamili nito at nang makapasok na nang bahay

"Salamat sa lahat Fred, thank you talaga" masayang saad ni Shaira na agad namang ginatihan ng ngiti ni Fred

"Sige, ingat ka palagi sa susunod ahhhh"aniya ni James

Habang papasok ng bahay si Shaira ay  napahinto naman ito sa pintuan at kumaway-kaway upang magpaalam kay Fred, napangiti na lamang ang lalaki dahil sa ginawa nang babae. Nang makapasok si Shaira sa bahay ay agad naring sumakay si Fred sa sasakyan niya at matamang pinaharorot ang sasakyan paalis

Pagpasok ni Shaira sa bahay ay agad niyang nakita si James na maayos nakaupo sa sala at nagbabasa nang magazine na kung saan noong unang buwan palang ni release sa isang companya

"Ang pagkakaalam ko hindi ka malandi" seryosong boses ni James habang binabanggit ang mga katagang iyon

"Ti-tinulongan ni-niya lang ak---" hinampas ni James ang mesa at agad namang naalarma si Shaira, na labis namamawis ang kanyang mga kamay at pangamba kung ano naman ang gagawin ni James sa kanya

Agad na lumapit si James kay Shaira at agad itong ginawaran nang malulutong sa sampal na hindi niya akalaing matatanggap niya iyon

"Ang sabihin mo malandi ka lang, kaya hindi ka nakatiis kaya pati mga lalaki jan sa tabi-tabi inaakit MO!!?" dinuroduro niya si Shaira

Hindi makaiimik si Shaira habang hawak-hawak niya ang pisnging mahapdi dahil sa pagkakasampal ni James

"Huwag-huwag mong papakita sa ibang tao iyon dahil ayokong malaman nang ibang tao na may malandi akong asawa" mahinahong saad ni Jamesa at agad nagtungo sa kusina sabay itinapon ang vase malapit sa pintuan nang kusina

-----------------------------------------------------------

Click the button below ✌✌✌✌✌

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon