Naiisipan ni Shaira na initin na lamang niya ang pagkaing niluto niya at dalhin ito sa opisina ni James bilang peace offering sa kanyang nagawa kay james
Mariin niyang ibinabalot ang mga pagkain sa asul na lalagyanan upang maayos at presentable itong makita. Sinamahan niya ito nang vegetable salad upang mas ganahan naman si James na kumain
Nang matapos siyang magbalot nang kanyang dadalhin ay agad naman siyang naligo at nagaayos, tutal sandali lang naman siya doon. Ihahatid niya lang ang pagkain ni James at pagkatapos ay uuwi na siya.
Papasok siya nang building ay agad siyang binati nang gwardiya sa labas "good morning ma'am"masigla at galak bati nang gwardiya kay Shaira
" Good morning din po"malumanay na bati ni Shaira pabalik sa gwardiya bago pumasok sa looba ng stablisyemento. Sa halos isang taong pabalik-balik ni Shaira sa opisina ni James ay malamang ay kilala na siya nang gwardiya
Nagmamadali siyang pumasok sa elevator nang dahil sa papasarado na ito at kung binagalan niya pa nang kundi ay baka hindi na niya maabotan ang elevator. Ilang sandali pa ay narinig niya ang mga naguusap na mga empleyado ni James sa elevator, pero hindi ito napigilan ni Shaira na makinig sa usapan hindi pala usapan kundi chismisan
"Alam mo ba last day noong pumunta ako sa office ni Sir James" agad namang nagsitinginan sa babaeng nagsalita ang ibang mga empleyado na halatang nakikiusyoso "Aham!!,Nakita ko kasing kasama niya yung girlfriend niya sa loob nang office niya. My God ang cute talaga nilang tingnan" dugtong nang babae
"Talaga!!. Kailan mo nakita" tanong noong isang kasamahan nila sa elevator "sana naman makita ko yun, nakakakilig siguro silang panoorin"dagdag nang babae
" noong nag papirma ako about sa contract sa gaganapan nang event"sagot nang babae sabay naman ang pagtunog nang elevator at agad pagbukas nito. Matapos noon ay nagsilabasan naman ang lahat nang empleyado at tanging si Shaira nalang ang tanging natira sa elevator. Bahagyang napatingin si Shaira sa ceiling nang elevator upang pigilan nito ang pagtulo ng kanyang luha
Iniisip nitong marahil ay pinapamukha lamang nang tadhana na hindi sila bagay sa isa't-isa ni James na tanging natali lamang si James sa kanya dahil sa isang kamalian. Labis na nanakit ang kaloob-looban ni Shaira na tanging hindi makaimik sa mga narinig niyang salita, nasasaktan siya dahil sa nakikita nang ibang tao na masaya ito sa iba na tanging may nagpapasaya na kay James na ibang babae
Bahagyang napatigil si Shaira sa kaiisip nang marinig niya ang pagbukas nang pintuan nang elevator. Bahagya niya munang pinahiran ang mga luha bago siya lumabas sa elevator
Mahina siyang napalakad patungo sa opisina ni James na wariy hirap maglakad dahil sa takot itong makabasag nang tiles, kundi sa kinakabahan ito dahil may pakiramdam itong may masamang mangyayari
Napatigil siya sa harap nang secretary ni James, pero laking pagtataka niya dahil sa iba na ito. Di tulad nang dati na kilala siya nang dating secretary ni James kay madali lang siyang makapasok sa loob nang opisina ni James
"Ahmmm. Nan jan ba si James" napaangat naman nang tingin ang secretary ni James
"Nanjan po, pero meron po ba kayong appointment sa kanya" umiling naman si Shaira at agad ibinigay ang dala nitong lunch box
"No, pakibigay nalang to sa kanya"
-------------------------------------------------------
Press the button below ✌✌✌
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)