~~~*~~~

14.9K 213 2
                                    

Ibinigay nalang ni Shaira ang dala niyang pagkain sa secretary ni James, habang nalulumong ibinalot ang mga lunch box na pinaglagyan niya 

"Salamat po ma'am" ngiting sagot ng secretary ni James tapos nagpatuloy na ito sa kanyang trabaho, marahil ay tinggap iyon ng secretary ni James upang palubagin ang loob ni Shaira at mapasaya niya ito dahil sa kabila ng lahat ay may tao paring kumain ng pagkain niya

Umuwi si Shaira sa bahay ay napagpasyahang maglinis na lamang para hindi naman siya mabagot kaka tunganga, gusto niyang mawala ma lang kahit saglit sa kanyang isipan tungkol sa nagyari kanina

Habang naglilinis si Shaira ay nahagilap niya ang larawan ng kanyang lolo, agad niya itong kinuha at pinagpagan dahil sa puno na ito ng alikabok

Naalala niya ang mga panahong kasama niya ang kanyang lolo sa Isla. Masaya silang naninirahan sa Boracay pero nasira lamang iyon dahil lang sa isang pagkakamali, pagkakamaling magiging dahilan ng kanyang paghihirap at pananatili sa kanyang lalakig pinakamamahal


Flash back

Masayang iniririto ni Shaira ang kanyang mga paninda habang malaking ngiti niyang kinakausap ang mga costumer na bilhin na nito ang kanyang  lakong paninda

Si Shaira ay nagtitinda ng mga souvenir item sa Boracay, dahil sa marami ang bumibili sa mga Keychain niyang gawa. Marahil ay kilala na siya ng mga ibang torista na siyang nagpabalik-balik sa Boracay

Maraming natutuwa sa kanyang pagiging jolly dahil natatawa ang costumer sa kanyang mga biro, biro na animoy nagbibigay ng good vibes sa mga torista 

"Sige na po, bilhin niyo na kasama ang tindiranagsitawanan naman ang mga costumer niya, habang siya naman ay kitang-kita ang mga butil ng pawis na siyang nasa kanyang noo

" Sige, sige. Magkano ba ang dalawatanong ng isang costumer sabay dinampot ang dalawang key chain

"Kayo talaga sir, gusto niyo talaga buy one take ahh"ngiti niyang sabi "20 pesos lang po sir, since kayo po ang unang bumili sakin"

Natawa ang lalaking unang bumili ng kanyag paninda "di ka kaya lugi niyan ?" tatawa tawang tanong ng isa niyang costumer 

"Di naman po sir. Malay mo swertehen kayong tao, baka marami akong matinda ngayon" ngiting tugon ni Shaira sa costumer na nagtanong sa kanya at bumili ng paninda nito

Sa araw na iyon masayang umuwi sa Shaira sa bahay ng kanyang lolo. Habang pakanta-kanta pa ito sabay patalon-talon

"Lolo, nandito na po ako!"masigla niyang sabi habang hinahanap niya ang kanyang lolo

Agad siyang nagtungo sa silid ng kanilang bahay kubo at hinanap ang kanyang lolo, natagpuan niya itong nakita na nakahiga sa banig na gawa sa baliw (Halaman kung saan gawa ang banig)

"Masayang masaya ata ang apo ko ngayon ahh" magiliw na bati ng kanyang lolo bago pa makalapit si Shaira sa kanyang lolo. Agad niya naman itong niyakap at hinalikan ang lolo sa noo

"Masaya lang po ako kasi naubos lahat ng paninda ko" magiliw niyang aniya habang ipinapakita pa ang pera sa kanyang lolo na nakalagay pa sa plastik

"Bakit kayo nakahiga dyan lolo, pagod po ba kayo sa kaka tour sa mga torista?"  nagtataka niyang tanong sa kanyang lolo ngunit tango lamang ang siyang sinagot sa kanyang apo

"Marami ngang torista ngayon, alam mo naman Summer season kaya maraming tao ngayon" hinawakan ng kanyang lolo ang kanyang kamay, napangiti ang kanyang lolo sabay tingin sa atip ng kanilang bahay kubo

Rinig na rinig ni Shaira ang malalalim na hininga ng kanyang lolo bago may sinabi.

"Ang tandaan mo apo, kailangan sa pagpanaw ko. Makita ko ang apo ko sa tuhod" na siya namang pinamulahan ni Shaira

End of Flashback

Natigil ang kanyang pagiisip ng maramdaman niyang namatay ang lahat ng ilaw sa loob ng kanilang bahay, baka brown out lang. Mga katagang nasa isip ni Shaira

Laking gulat niya ng marinig ang pagbukas ng pinto, pero hindi niya alinta kung sino ang tao dahil sa  pagkakaalam niya sa tuwing nagbubukas si James ng pintuan ay binabalibag niya iyo kaya malaki ang pagtataka niya kung sino ang tao

Agad siyang naalarma ng marinig niya ang mga mabibigat na yabag ng paa patungo sa kanyang kinaroroona

Labis ang kanyang nararamdaman sadyang tumatayo ang kanyang balahibo hindi sa hangin kundi sa kaba niyang nararamdaman ngayon, parang nagpapahintolot ito ng isang babala sa kanya 

Kinuha niya ang flashlight na nakalagay sa cabinet at agad niya sana itong bubuksan ng hawakan ito ng matitigas na kamay, hindi niya nagawang tingnan kung sino ang taong iyon dahil sa mas malakas ang mga bisig na siyang nakahawak sa mga braso nito

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Please press below anything, don't forget to vote and follow my account


DancingFucker

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon