“Lolo!!!!” umalingawngaw ang matinis na boses ni Claudette sa loob nang bahay kahitb na ang yaya nito ay hindi magawang habulin dahil sa papalabas ito nang bahay upang puntahan ang kanyang lolo na nasa kotse. Nang makarating siya sa kotse at sakto-saktong pagkabukas nang pinto nang sasakyan nang kanyang lolo ay agad itong nagpakarga sabay yakap nito sa leegan
“Ohh, Baby I miss you so much” sabay popog naman nang halik na ginawa nang kanyang lolo kay Claudette. Mariin namang napahagikhik ang bata sa ginawa nang kanyang lolo dahil sa nakikiliti ito sa kanyang balbas na hindi pa naahitan
Matapos nun ay mariin namang napatingin ang kanyang lolo pintuan nang bahay “welcome back papa” masiglang bati ni Shaira sa kanyang ama habang papalapit ito dala-dala ang kanyang anak na si Eman.
“Iha, tumaba ka ata”na siya namang ikinasimangot ni Shaira “biro lang” bawi nang ama ni Shaira sabay napayakap sa kanyang magandang anak
“Teka, si Eman asan na?”birong tanong nang kanyang lolo na kunwari hindi niya nakita si Eman sa kanyang harapan. Nakasimangot naman si Eman habang tinitingnan nang masama ang lolo. Hindi talaga mahilig sa biro ang apo nitong si Eman na sadyang namana niya sa kanyang ama, napaka seryoso sa lahat nang bagay “Ay nandito pala si Eman, hindi ko nakita” agad niyang kinalong si Eman na siyang dahilan upang masira ang mukha nang kanyang lolo “teka lang ang bigat niyo” reklamo nang Don Alejandro sa kanyang dalawang apo. Tuwang tuwa naman ang matanda nang pupugin siya nang matatapus na halik ng kanyang mga apo.
Nang makapasok sila sa bahay ay walang awat paring nilalaro ni Claudette ang kanyang lolo, dahil sa sweet ang bata ay hindi naman makatanggi ang matanda habang si Eman naman ay kinakalkal ang dalang bag nang kanyang lolo baka sakali may mahanap itong libro na siyang nakalagay doon
“Ang kulit talag nang anak mo Anak, pwede na akong kunin ni Lord”saad nang kanyang ama kay Shaira habang napapangiti
“Huwag naman Dad, gusto ka pa namin makasama nang mga apo mo nang matagal” saad ni Shaira na siyang dahilan upang mapatawa naman ang matanda sa inusal nito.
“Naku Shaira, simula ang mamatay ang mommy mo” napatigil muna ito sa pagasasalita habang si Shaira naman ay matamang nakikinig sa kanyang ama “pinangako ko sa sarili ko na hindi kita pababayaan. Pero hindi ko nagawa iyon dahil sa mas pinili ko parin ang negosyo kaysa sayo, kaya hayaan mo kong makabawi sayo”napaangat naman nang tingin ang kanyang ama upang pigilan ang pagiyak nito
“Dad naman e!!!” naiiyak na aniya ni Shaira sa kayang ama, sabay yakap nito “parang namamaalam ka na samin nang mga apo mo e” bahagya namang napatawa ang matanda
“Kaya gagawin ko ang lahat. Maging masaya ka lang”
---------------------------------------------------------------
Please vote and Follow me✌✌✌ @DancingFucker💋💋💋

BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife