~~~*~~~

6.9K 81 2
                                    

Mariing natameme si Sharmaine sa sinabi ni Shaira na tilay natamaan nito ang pride nang babae na hindi matanggap mismo nang kaloob-looban nito

"Kung hindi ka lang sana dumating sa buhay namin ni James ay hindi sana mangyayari to!!"sumbat ni Sharmaine sa babae pero walang reaksyon sa mukha ni Shaira ang nakikita, bagkus ay patuloy nalamang ang gingawang pagtitig nito sa lalaki

"Huwag na huwag mo akong sisihin sa nangyari Sharmaine" napaharap siya sa babae "dahil simulat sapul, ikaw ang dahilan nang lahat kung bakit nagkakaganito si James. Hindi naman magbabago ang pakikitungo ni James sakin kung hindi ka lang bumalik"

Napatayo si Shaira nang biglang tumayo si Sharmaine dahil sa sasampalin sana siya nito pero bigla niyang nahawakan ang braso ni Sharmaine pero iwinakli lamang nang babae ang kamay nito

At sinabunotan si Shaira kaya bigla siyang natumba sa kama kung saan nakaratay si James. Hindi makagalaw si Shaira dahil sa nakahiga siya at mariin siyang nagaalala kay James dahil sa baka kung ano ang maaring mangyari sa lalaki

"Sharmaine ano ba!!"sigaw ni Shaira bero hindi nakikinig ang babae, kaya mariing napasabunot si Shaira kay Sharmaine na siyang dahilan upang mapasigaw si Sharmaine " AAHH!!"

Mariing itinulak ni Shaira si Sharmaine kaya nagawa niyang itulak ang babae na siyang dahilan upang matumba ito at mahig sa sahig, agad siyang pumaibabaw sa babae at mariin sinampal si Sharmaine at sinabunutan

"Walang hiya ka! May gana ka nang labanan ako"bulalas ni Sharmaine nang pumaibabaw si Shaira sa kanya

Patuloy lamang si Shaira sa pagsabunot kay Sharmaine na tilay hindi niya naririnig ang sigaw nang babae

"Shaira"narinig nilang dalawa si Arman na siyang papalapit sa kanilang dalawa upang awatin sila" ano bang nangyayari sa inyo!!!"sigaw ni Arman sa kanilang dalawa

Pero si Shaira ay walang imik na napatayo upang puntahan si James "siya kasi ang nauna" sumbong ni Sharmaine na parang bata at napatayo upang sabunutan si Shaira pero hindi niya nagawa dahil sa pinigilan na ito ni Arman.

Nagsisigaw naman na inilabas ni Arman si Sharmaine dahil sa walang patutunguhan kong magsasama ang dalawa sa isang kwarto.






Mariin namang napatitig si Shaira kay Jamed habang tumutulo ang luha

"Ito na naman, parang bumabalik sakin ang mga nangyari satin makalipas nang limang taon" mariin siyang napapahid sa kanyang luha "hindi ko alam pero parang nasasaktan ako James, nasasaktan ako" hagulgul na aniya ni Shaira

Mariing napahawak si Shaira sa makinis na mukha ni James "mahal na mahal kita James, pero ayokong ako ang maging dahilan upang masaktan kita. Alam kung nakita mo ang lahat nang nagyari samin ni Fred pero ayokong malaman na sa tuwing nakikita mo ako ay naaalala mo palagi ang pangyayaring iyon" napahagulgul si Shaira na tilay ang boses nito ang siyang nagukupa sa loob nang kwarto

Mariin siyang napahalik sa lalaki na may luha. Ito na siguro ang huling halik ni Shaira kay James kaya mas pinatagal niya iyon na tilay sinasamsan ang huling halik niya kay James

"Goodbye James" huling mga salita na dapat niya sabihin bago tumalikod pero bigla niyang naramdaman na may humawak sa kanyang kamay kaya bigla siyang napatingin sa lalaki




-----------------------------------------------------------

Please Vote and Follow me💋💋💋

@DancingFucker

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon