Mariing napaiktad si Shaira nang may humawak sa kanyang kamay, kaya agad niyang tiningnan ang taong nasa kanyang likoran pero nagulat siya nang makita niyang nakatitig sa kanya si James habang may luhang tumutulo sa mga mata nito.
Agad namang napayakap sa kanya si Shaira nang makita siyang nitong nakamulat ang mata. Mariin siyang napahagulgul habang hindi alintana ang sipon na siyang tumutulo sa kanyang ilong
"Akala ko iiwan mo na ako" aniya ni Shaira habang humihikbi na nakayakap kay James pero mariin na lamang napangiti ang lalaki dahil sa natutuwa itong makita si Shaira sa kanyang pagising "I'm sorry kung nasaktan man kita" dagdag ni Shaira habang walang humpay na paghagulgul na nakayakap kay James
Mariin namang inalis ni James si Shaira mula sa pagkakayakap nito at mariing pinaharap sa lalaki. Namumugto ang mga matang humarap ito sa lalaki at hindi halos makatitig kay James kaya napangiti na lamang si James "wala ka dapat ihingi nang tawad, ang mahalaga ay makasama kita. Ako dapat ang huming nang paumanhin sayo dahil sa sinaktan kita noon at hindi ko man lang napadama sayo ang pagmamahal na nais mong madama sakin" malumanay na saad ni James habang nakahawak ito sa dalawang pisngi ni Shaira
Napahalik si Shaira sa lalaki kung saan hindi tinanggihan ni James ang mapanguyam na halik na matagal na siyang inaasam mula sa kanyang asawa.
Marihil ito na ang simula nang kanilang muling pagsasamang dalawang magasawa na hindi nila nagawang ipadaman sa isa't-isa ang pagmamahal.
Sa pagkakataong ito ay hindi na pumasok pa sa isip ni Shaira si Fred dahil sa ang atensiyon nito ay para lang sa lalaki ni hindi niya na nagawang tawagan ang kambal at baka nang aalala na ang mga iyon dahil gabi na ay hindi pa siya umuuwi at nandito pa siya sa ospital para bantayan si James dahil sa hindi pa dumating sila Donya Carmela
"James!!" hingal na bukas ni Donya Carmela sa kwarto habang kasunod naman nito si Shane at Don Manuel. Kanina kasi ay naabotan sila ni Arman na naghahalikan kaya hindi makatingin si Shaira kay Arman dahil sa mapanuksong ipinupukol nanh lalaki sa kanya "salamat naman at nagising ka na" dagdag ni Donya Carmela habang hindi parin naalis ang hingal.
Agad naman siyang napayakap kay James na siyang dahilan upanh mamula ang pisngi nito dahil sa nahihiya siyang makita ni Shaira na niyayakap siya nk Donya Carmela "Ma! Tama na yan. Gising na ako" nandidiri niyang aniya habang ang ina nito ay parang nalungkot sa inasal ni James kaya mariin itong napapunta kay Don Manuel at pumalahaw nang iyak
"Manuel, hindi ko alam kung anong nangyayari sa anak natin" hagulgul nito na may papahid-pahid nang luha pa
"Kumusta ang mga bata?" tanong ni James kay Shaira na siyang dahilan upang mapatigil ng iyaka si Donya Carmela mapatingin sa kinaroroonan nilang dalawa
"A-anong bata?"takang tanong ni Donya Carmela na papalapit sa kanilang dalawa upang tanongin nang maayos "teka, may hindi ba kayo sinasabi sakin?"dagdag pa nito na tilay di makapaniwala sa kaniyang narinig
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)