"Kasal!!" gulat na usal ni Shaira kay James "wala na tayo James, at matagal na tayong divorce sa isa't-isa kaya tigilan mo na ang kahibangan mo" agad nagtungo si Shaira sa kanyang mesa pero nawala na lamang sa kanyang sarili ang hiya sa nangyari kanina dahil sa narinig niyang kasal na pinagsasabi nang lalaki
"Pero may anak tayong dalawa at kasa---" naputol ang dapat na sasabihin ni James nang bigla siyang putulin ni Shaira
"Oo may anak tayo pero ang kasal na pinagsasabi mo ay matagal nang tapos. Mahal ko na si Fred kaya pwede bang tigilan mo na kami. Hayaan mo naman akong maging masaya kahit ngayon lang" bigla naman nanglumo ang itsura ni James kaya iniiwas ni Shaira ang kanyang pagtitig sa lalaki dahil sa ayaw niyang maawa siya para rito dahil sa pag naawa siya ay magdudulot lamang ito nang pagasa sa puso ni James
"Talaga bang kinalimotan mo na ako" malalim na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa "talaga bang wala ka nang nararamdam sa akin" dagdag ni James na siyang dahilan upang manahimik si Shaira at hindi umimik
Nagdadalawang isip na sumagot si Shaira dahil sa hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot kay James "mas mabuting umuwi ka muna James" iyon lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ni Shaira
"Palagi mo nalang akong pinagtataboyan" saad ni James pero hindi parin makatingin si Shaira kay James
Ilang sandali pa ay napatayo si James at naglakad palabas nang opisina ni Shaira pero napahinto ito "Ipakilala mo ko sa mga anak ko" bago lumabas sa pintuan
Bahagyang napagbsak nang ulo si Shaira sa kanyang mesa dahil sa nape-pressure siya sa mga nangyari. Kasama na ang kompanya at kung paano niya ipapakilala ang kambal kay James. Simulat sapol ay si Fred ang kinikilala nitong ama kaya malaki ang magiging kasalanan niya sa kambal dahil sa nagsinungaling siya sa mga bata
Mariin na lamang siyang napahilot sa kanyang sintido dahil sa nanakit ang kanyang ulo sa kaiisip nang paraan kung paano niya malulutasan ang problemang iyon dahil pag si James ang nagpakilala sa kanila ay baka mas malaking galit pa ang matatamasa niya sa mga kaysa sa inaakala niya
Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagbukas nang pinto kaya agad siyang napaangat nang ulo upang suriin kung sino ang pumasok, nakaginhawa naman ang maluwag si Shaira dahil sa sekretarya niya pala iyon. Malaki ang pagsisi niya nang siya na ang naghahandle halos lahat nang assets nila habang ang papa naman niya ay nagpapakasasa sa mga anak niya
"Ang unfair naman ni Papa" nakasimangot na saad ni Shaira
"Anong unfair ma'am?"takang tanong nang sekretarya ni Shaira pero napailing iling na lamang si Shaira
"Nothing, huwag mo na lamang akong intindihin" saad ni Shaira at tinanggap ang dalang clipboard nang kanyang sekretarya
"May meeting po kayo with Mr. Alberto in Carolina's Perfect Blend Café" napatango naman si Shaira nang sabihin iyon nang kanyang sekretarya
"Thanks, you may go now" saad ni Shaira kaya agad namang tumalikod at lumabas ang kanyang sekretarya

BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife