~~~*~~~

10.6K 148 1
                                    

Pagpasok ni James sa kusina ay agad niyang kinuha ang dalawang plato sa counter at agad lumabas

Nakasunod lamang si Shaira sa asawa habang papalabas ng kusina

"Saan ka pupunta?"tanong ni James sa asawa

"Sa taas, magpapahinga lang ako"sagot niya at agad nagtungo sa taas

Umiiyak siyang pumasok sa loob ng kwarto at agad nagtungo sa kama niya at doon ibinuhos ang mga luhang labis niyang pinipigilan kanina

Mag a-alas 10:00 na hindi parin kakatigil kakaiyak si Shaira kaya ang ginawa niya ay uminom nalang nang sleeping pills upang makatulog ito

Pagkagising niya kinaumagahan ay agad niyang nakita sa salamin ang namamaga niyang mata. Kaya ang ginawa niya ay kumuha ng heater at nag init ng tubig upang ihilamos niya ito

Pagkababa niya ay agad niyang binuksan ang ref, ngunit tanging gatas at itlog lang ang naroon

Hindi pala siya nakapamalengke kahapon dahil sa kulang ang pera nito at hindi siya nabigyan ni James nang pang grocery

Naghanda siya nang agahan pero dali-dali niya itong inihanda upang hindi siya maabotan ni James na nagluluto baka malate pa ito dahil sa kanya

Inihain na niya ang mag pagkaing niluto niya"Anong ulam ngayon?" Napatalon siya ng may magtanong sa kanyang likoran

"Ahhh!Ano, Ito" itinuro niya ang mga pagkain sa mesa

Agad lumapit si James sa kanya at mariing napaatras naman si Shaira

Paatras ng paatras si Shaira hanggang sa stante ng sink ito napunta, napapikit na lamang siya dahil sa ginawa ni James

"Yan ba ipapakain mo sakin?" Singhal niya kay Shaira habang turo-turo ang mga pagkain sa mesa "pancit canton at itlog? Anong akala mo sakin bata?"

"Wala na kasing stock sa ref ehh,tsaka wala na akong pambili ng grocery" agad kinuha ni James ang wallet niya at nag labas ito ng liman-libong piso

Pagkalabas ng liman-libong piso sa wallet ni James ay agad niya itong inihagis sa lupa at agad naman itong pinulot ni Shaira sa sahig

Maluha-luhang pinulot ni Shaira ang mga perang nakakalat sa sahig

"Honey, ang aga-aga sumisigaw ka. Is there any problem?"tanong ni Sharmaine habang papalapit ito kay James

" nothing "sagot ni James habang yakap yakap parin si Sharmaine

Tanging titig lamang ang nagawa ni Shaira sa kanilang dalawa, nasasaktan man siya habang pinapanood ang lalaking mahal niya, pero pinigilan niyang umiyak dahil ayaw niya makita ng lalaki na nasasaktan siya

Ayaw niyang ipaalam sa lalaki na mahal niya ito dahil alam niyang hindi kaya ng lalaki na tumbasan ang pagmamahal niya

" there was never an us" yan ang nasaisip niya, isa lamang siyang hamak na asawa sa papel na kahit kailan ay hindi siya nito tatanggapin at papasokin sa puso niya

May mahal itong iba mula nang ikasal sila, kasal na pilit kung saan ayaw nilang pareho. Pero ito ang naging dahilan kung bakit nahulog ang loob niya sa lalaki

Habang nango-grocery siya sa mall ay alam na nitong hindi maayos ang pakiramdam, nahihilo ito habang tulak-tulak ang push cart

Pagkalabas niya sa super mart ay agad-agad siyang naghanap nang taxi upang makauwi siya kaagad

Papara na sana siya ng taxi nang biglang nagdilim ang kanyang paligid at hindi niya malaman kong ano ang susunod na nangyari

----------------------------------------------------------

Adobong Sitaw at Ginataang Langka akin-akin lang po iyong Ingle's na definition

Press the button below

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon