“Belenda”usal ni Shaira nang makita ang kanyang kaibigan, pero bakit ngayon niya lang napansin na nandiyaan pala ang kaibigan niya. Napangiti naman si Belenda habang tinitingnan ang dalawa na may halong tukso pero mariin lamang na tinatanggi ni Shaira dahil sa batid nito kung ano ang ibig sabihin nang mapanuksong tingin ni Belenda sa kanilaAgad namang napalapit si Belenda kay Shaira at agad itong kinurot sa kanyang tagiliran “aray!!”reklamong saad ni Shaira habang hawak hawak ang kanyang tagiliran dahil sa pinsalang natanggap niya kay Belenda “Di mo sinasabi sakin may Boyfriend ka na pala” mapanuksong sabi ni Belenda habang malaking ngiti ang ipinakita kay James pero ngiti lang ang iginanti ni James sa kaibigan ni Shaira.
“pogi, may kailangan ka ba sa kaibigan ko?”kinikilig na tanong ni Belenda na siyang dahilan upang mapangiti ang binata, pero tinapik ni Shaira si Belenda dahil sa tinanong nito si James.
“kasi”napakamot naman ang binata sa kanyang batok dahil sa hindi ito mapalagay, pero kailangan niyang gawin iyon dahil sa sayang ang Ferrari na siyang ipinusta ni Arman para sa kanya at kung matatalo man siya ay tiyak na siya ang sasagot sa mga gastusin ni Arman. Alam naman niyang maraming babae yun kaya maaring mabutas ang bulsa nito dahil sa kanyang kaibigan “gusto ko sanang I-tour niya ako. Pero babahyaran ko naman siya nang doble e, akaso ayaw niya lang pumayag sa offer ko”parang batang nagmamaktol si james at nakayuko, pero kitang-kita ang mga ngiti sa labi nito at nagdarasal na sana umipekto ang acting skill niya sa kaibigan nitong si Belend.
“Yun lang nama naman friend e, babayaran ka naman pala nang doble. Payagan mo na si kuya alam mo namang may sakit ang lolo mo ngayon”pamimilit ni Belenda sa kanyang kaibigan “tingnan mo nga si kuya ohhh!!! nakakaawa” paawa epek naman ang ipinakita ni James para naman makumbinsi niya si Shaira na samahan siya at I-tour siya nito sa isla
Mariin namang napaisip si Shaira habang palipat lipat ang tingin kay Belenda at kay James “ Sige na nga” pagsang ayon nito na siya namang ikinangiti ni James. Tatawa tawa si Belenda nang pumayag si Shaira. Mula pagkabata nila Shaira at ni Belenda ay sila na lagi ang magkasama, sila na ang palaging nagdadamay sa tuwing may problema ang isa sa kanila. Sabay rin silang grumaduate nang Elementarya ni Belenda at nang High School na rin. Pansamantalang nagaaral si Shaira sa isang Unibersidad malapit sa kanilang isla pero hindi niya alintana ang pagud dahil gusto niyang makapagtapos nang pag-aaral kaya nagsumikap siyang magtinda nang mga souvenir sa Boracay dahil sa gusto niyang maging isang Business woman pag naka graduate siya hindi rin dahil sa kagustuhan niya pati rin nang kanyang lolo. Kaya nahahasa siya sa pas sa-sales talk gamit nang mga paninda niya
Napilitan na lamang samahan ni Shaira si James na itour nito ang lalaki dahil sa hindi niya daw alam ang mga pinagsasabi nang babae kanina. Nakangiting sumusunod si James sa kanya dahil sa naaalala nang lalaki ang nagawa niya kanina, alam niyang namula ang mukha ni Shaira kanina kaya hindi niya maiwasang mapangiti.
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomantikHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife