~~~*~~~

7K 91 0
                                    

Inabot nang limang oras ang byahe nila Shaira at Fred papuntang airport dahil sa traffic pagdaan nila sa Edsa, kailan pa ba nag bago ang Edsa.

Labis ang saya na siyang nakapinta sa mukha ni Shaira dahil sa sabik na sabik itong masilayan ang kanyang dalawang ano, habang si Fred naman ay abala sa pag taas nang blockboard kung saan nakapaskil ang apelyido nila Shaira. Ilang sandali pa ay naglabasan na ang mga tao na siyang naggaling sa loob at isa-isa nilang tinitignan ang mga taong nagsilabasan hanggang sa nakuha ang atensiyon ni Fred sa isang batang babae na siyang kalung-kalug nang isang matandang lalaki.

Agad namang kinalabit ni Fred si Shaira at tinuro ang kinaroroonan ni Claudette "Claudette" maluha luhang sambit sa pangalan ni Claudette at bahagyang nanunubig ang kanyang mata sa labis na tuwa nang masilayan ang kanyang anak

Itinaas namang mabuti bi Fred ang board na siyang hawak niya kanina na siyang dahilan upang maagaw makita ito ni Claudette at ituro. Napangiti naman ang ama ni Shaira at agad lumapit sa kinaroroona nila upang mayakap ang anak.

Pagkalapit na pagkalapit nang ama ni Shaira ay agad kinuha ni Shaira si Claudette at ibinaba ito upang yakapin ang dalawa "I miss you baby" sabay sabay na hinalikan ang dalawa, at napayakap naman ito nang matapos halikan ni Shaira ang kambal.

"I miss you too mommy" saad ni Eman habang maluha-luhag yumakap sa kanyang ina

"I miss you too baby" hinalikan niya ito sa noo. Sabay tiningnan ang kanyang papa at niyakap

"Hindi mo man lang sinabi sakin na uuwi kayo" saad niya sa kanyang ama habang maluha luhang niyakap muli ito. Napangiti naman ang kanyang ama at ginulo ang buhok nito "sa sekretary ko pa nalaman na ngayon ang pagdating niyo, kung hindi pa ako tumawag sa kanya ay baka. Magtataka nalang ako kung bakit pagala-gala si Claudette sa opisina ko ngayon"

"Ikaw talaga" magiliw na saad ng kanyang ama "balak ka sana naming surpresahin kaso mukhang kami ang nasurpresa. Nagtataka nalang ako kung ano ang tinuro-turo ni Claudette kanina, kaya lang pala" dagdag nito at matamang tiningnan si Fred na siyang busing-busy kay Claudette habang pinupupog nang matatamis na halik habang si Eman naman ay patuloy na nagmamasid sa paligid na tilay naninibago.

Pareha lamang silang napangiti ni Shaira at nang kanyang papa nang makita nila si Fred. Hindi niya maiwasang mahulog ang loob sa lalaki dahil sa nandito ito palagi sa kanyang tabi at hindi siya nito iiwan, maaring si Fred ang siyang nagpapasaya sa babae na tilay inaalis nito ang lungkot na nadarama ni Shaira sa tuwing naalala niya si James at sakit na siyang nagbabalik sa kanya sa nakaraan

"Halika na " aniya ni Shaira nang matapos ni Fred kulitin ni Claudette at napatayo naman ang lalaki.

Hinawakan naman ni Shaira si Eman habang si Fred namay ay si Claudette na siyang kalong-kalong niya. Hindi maiwasan tingnan nang iba na nakikita at sumasalamin na masaya ang kanilang pamilya kung tingnan

--------------------------------------------------------

Please Vote and Follow me✌✌✌✌
@DancingFucker💋💋💋

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon