Mariin na nakapangalumbaba si Shaira sa kanyang mesa dahil sa iniisip niya ang pangungulit ni James sa kanya palagi itong nagapabalik-balik sa opisina ni Shaira
Pero napatigil siya sa kanyang pagiisip nang marinig niya ang pagbukas nang pinto kaya mariin siyang napaangat sa kanyang ulo dahil nagbabakasakali itong si James na naman ang pumasok pero mali ang inaakala ni Shaira dahil sa secretary niya iyon.
Naglakad naman ang sekretarya ni Shaira patungo sa kanyang mesa dala ang isang supot nang pulang rosas "maam pinabibigay po ni sir Villacorta" agad namang napataas ang kilay ni Shaira
"Pulang rosas" kinuha niya ang rosas na siyang binigay nang kanyang secretary at matamang kinuha ang letter na siyang gilid nito. Agad agad naman niyang binuksan ang sulat at binasa ito
My beloved wife, please accept my love and embrace my soul
James💕
Agad naman ibinigay ni Shaira sa sekretarya niya ang bulaklak na siyang hawak-hawak niya lang kanina , pero hindi na umano nagtanong pa ang sekretarya nito kung anong gagawin nito sa bulaklak dahil sa alam na nito kung saan dapat mapunta ang mga bulaklak na iyon
"Sa basurahan po uli ma'am" tanong nang sekretarya ni Shaira na tilay naawa na siya sa mga bulaklak na siyang tinatapon niya araw-araw. Dahil halos araw-araw na nagpapadala si James sa kanya pero ang hindi alam nang lalaki ay sa basurahan lamang ang bagsak nito
Tumalikod naman ang sekretarya ni Shaira nang tumango ito at bahagyang pumatungo sa pinto, pero pagbukas ng pinto ay agad nabungaran nang sekretarya ni Shaira si Fred na siyang taka ang nakapinta sa mukha nito
"Kanino yan?"takang tanong ni Fred sa secretary ni Shaira pero hindi makasagot ang secretary na parang nakain mismo nito ang sariling dila
Mataman lamang nagiintay si Fred sa sagot nang sekretarya ni Shaira pero hindi nito magawang sumagot "kay ma'am Shaira po pinabibigay ni Mr. Villacorta" hindi na agad nakapagdagdag nang sasabihin ang sekretarya ni Shaira dahil sa agad na nagtungo si Fred sa loob upang makausap ni Shaira
Naiwan naman sa labas ang sekretarya ni Shaira na may kaba sa dibdib at agad itong nagtungo sa trashcan malapit sa elevator nang mahimasmasan ito nang ilalagay niya sana ang bulaklak na siyang pinapatapon sa kanya at naramdaman niyang may humawak sa kanyang kamay
"S-sir!!"gulat niyang usal. Pero hindi ito pinansin ni James at kinuha lamang ang bulaklak na dapat sana ay itatapon
"Hindi ba niya nagustohan ang pinapadala kong bulaklak ?"tanong ni James sa secretary ni Shaira. Pero hindi ito umiimik kaya tiningnan ni James ang secretary nito
"A-actually po sir. Pinapatapon po talaga ni ma'am Shaira ang mga nagbibigay nang bulaklak sa kanya, hindi daw po kasi siya mahilig sa mga bulaklak" palusot nang secretary ni Shaira
"Ganoon ba? E chocolate nalang kaya ang ipapadala ko bukas" suhestiyon ni James pero mariin napaismid ang sekretarya ni Shaira habang napapakamot
Hindi niya ba nahahalata na ayaw ni Ma'am Shaira nang mga pinapadala niya' mga saad sa likod nang kanyang isipan pero hindi niya iyon sinabi dahil sa baka maoffend si James pag sinabi yang ayaw lang talaga ni Shaira
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)