“What the f*ck are you doing?”bulyaw ni James habang masamang nakatitig sa kanyang asawa, nalaki naman ang mata ni Shaira nang makit si James na siyang nalilisik ang mga matang nakatitig sa kanilang dalawa ni Arman. Agad naman napabitaw si Arman sa pagkakahawak mula sa kamay ni Shaira.
“P-pre, walang kasalanan si Shai-”pero hindi natapos ni Arman ang dapat niyang sasabihin dahil sa agad siyang sinunggaban ni James nang suntok. Walang nagawa si Arman bagkus ay pinabayaan niya lang si Shaira na hilain ni James palabas nang bar.
Nagmamadaling umuwi sila ni James sa bahay habang hawak-hawak naman ni Shaira ang kanyang kanang braso na siyang namamaga dahil sa pagkakahawak ng mahigpit ni James sa kanya kanina, masyado itong mahigpit na tilay itinali siya sa lubid at ibinitin patiwarik. Pero hindi alintana ni James ang lakas nang kanyang pagpapatakbo bagkus ay mas nilakasan pa niya ang kanyang pagpapatakbo pero hindi na lamang umimik si Shaira dahil sa takot ang nararamdaman niya kay James sa mga oras na iyon. Nanatiling tahimik si Shaira habang nasa byahe dahil ayaw niyang unahan si James at baka magalit pa ito sa kanya. Tanging katahimikan lamang ang siyang bumabalot sa sasakyan na tilay tanging ingay lang nang galit na makina ang kanilang naririnig
Pagkarating nila sa bahay ay agad binalibag ni James ang pinto at hinila si Shaira paakyat nang kwarto pero tinitiis niya ang kanyang masakit na braso dahil sa baka mas magalit si James sa kanya
“Pati ba naman ikaw Shaira gagawin mo rin sakin to. Pati ba naman ang kaibigan ko aakitin mo, akala ko ba kontento ka sa lalaking iyon. Pero nagkakamali pala ako dahil singkati pala nang damo ang sarili mo”agad naman nasampal ni Shaira si James pero tanging tiggang bagang lang ang nagbago sa kanyang mukha. Mariing nagsibabaan ang mga luha ni Shaira, wala siyang pake kung umiiyak man siya sa harap ni James. Dahil sa hindi na niya kaya ang mga masasakit na sinabi ni James, sa tagal nilang nagsama ngayon lang siya napagsabihan ni James nang ganoon kasakit na salita sa buong buhay niya. Pero ngayon hindi na niya natiis ay nagawa na niyang sampalin ang asawa nang walang pagsisi sa kanyang kalooban
“Huwag na huwag mo kong pagiisipan nang masama James, dahil kung tutuusin ay mas masahol ka pa sakin”napapahid naman nang luha si Shaira habang si James naman ay nanatiling nakatulala at hindi nakaimik sa ginawa ni Shaira “masakit na James hindi ko na kaya, ang akala ko magbabago ka pa. Pero nagkakamali ako kahit magpakamatay man ako ay wala kang pakialam sakin dahil sarili mo lang ang iniisip mo. Ni hindi mo nga siguro alam kong may asawa ka ba o wala”
Dahil sa hindi na umimik si Shaira ay tumalikod siya at aakmang lalabas nang kwarto upang umalis pero hindi niya iyon nagawa dahil sa pinigilan siya ni James na siyang dahilan upang mapaharap siya at halikan nang kanyang asawa. Hindi nakaimik si Shaira sa nangyari bagkus ay para siyang naistatwa at walang nagawa pero hindi parin tumitigil si James dahil sa patuloy parin niyang inaangkin ang labi nang kanyang asawa.

BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife