Mariing nagpaubaya naman si Shaira sa kanyang asawa na labis ang pananabik pero hindi maiwasang matanggihan ni Shaira ang tukso dahil sa ang katawan na mismo ang siyang bumigay at nagpaubaya. Habang hinahalikan siya ni James ay patuloy siyang sumasabay sa paghalik nito na tila nakakalula at nakakaadik, hindi marahas kundi para siyang isang pinggan na mamahalin na siyang iniingatan ni James
Patuloy parin si James sa kanyang ginagawa habang si Shaira mariin pa ring pinauubaya ang kanyang sarili dahil sa labis na kapusokan. Naglalakbay ang mga kamay ni James kahit saang parte nang kanyang katawan pero pinabayaan lamang ito nang babae at di tinanggihan
Sa gabing iyon ay puno nang kasiyahan ang siyang nabubuhay sa puso ni Shaira na siyang dahilan upang mapangiti ang babae habang tinititigan ang lalaki. Ang pagsasalo nang kanilang pagiibigan ang siyang nagtibay upang mas lalong mapamahal ang babae kay James. Sa lalaking ito niya ibinigay ang lahat lahat sa kanya dahil nangako siya sa harap nang diyos na pagsisilbihan niya ito at mamahalin habam buhay. Tama nga ang maghintay siya nang kaunting panahon dahil totoo nga ang sinabi nang iba na mamahalin ka nang isang tao pag nararamdaman nitong nandiyan ka para sa kanya palagi
Tinititigan niya ang singsing na siyang suot niya ngayon ang singsing na siyang dahilan upang magkaisa si Shaira at ni James. Pero hindi ito suot ni James dahil sa ibinigay ito sa kanya ang pares nang singsing matapos.ang kasal nila ni James
Pero nabago ang ekspresyon ni Shaira nang marinig niya ang mga sinabi ni James “Mahal kita Sharmaine” at mariing napayakap ito sa kanya, labis na nabiyak ang kanyang puso dahil sa umasa na naman siya na magtitino na ang kanyang asawa dahil walang matigas na bato ang siyang matutunaw sa maiinit na tubig, pero sa pangalawang sandali ay pinaasa parin siya na siyang dahilan upang mawasak nang tuluyan ang puso ni Shaira. Napapahid na lamang siya sa kanyang mga luha na siyang dumanak na nanggaling sa kanyang mga mata “bakit mo ginawa yun, alam mo naman na mahal na mahal kita. Pero patatawarin parin kita kahit ginawa mo yun sakin dahil mahal kita” mariing napahikbi nang mahina si Shaira habang minamasdan ang maamong mukha ni James na natutulog. Pero naging masaya siya dahil sa pangalawang pagsasalo nila ay narealized niyang hindi talaga sila para sa isa’t-isa
Agad kinuha ni Shaira ang brasong nakayap sa kanya at umalis mula sa pagkakahiga. Napatayo siya at mariing tinititigan ang kanyang asawa kasabay ang pagtanggal nang singsing sa kanyang kamay at pagdanak nang kanyang luha dahil sa sakit na kanyang nararamdaman sa ngayon.
Tanga nga ba ang magmahal sa isang tao na hindi naman kayang tumbasan ang pagmamahal na siyang ipinapakita mo sa kanya,tanga nga ba ang manatili sa tabi niya kasama ang ibang babae habang nakikita itong masaya at maligaya.
Pero ang pagmamahal mo sa isang tao ay hindi mo kayang takasan at pigilan dahil sa huli maari mo tong panghinayangan at pagsisihan.
Please vote and Follow me on Wattpad account
@DancingFucker
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)