~~~*~~~

11K 163 18
                                        


Kasabay naman nilang natanggap ni Fred at James ang kanilang order pero hindi parin napapansin ni Fred na andiyan si James sa paligid. Mariin namang sinundan ni James si Fred paaakyat nang second floor nitong Fast food. Nang makaupo ito ay agad siyang sumunod, pero nang isusubo na sana ni Fred ang kanyang Fried chicken ay bigla na lamang umupo si James sa kanyang harapan. Napabitaw naman si Fred sa kanyang isusubo sanang Fried chicken at matamang tinititigan si James habang binubusisi kung bakit nandito ang magaling na asawa ni Shaira. Napangiti naman si James nang makaayos ito nang upo sa upuan, pero wala paring ekspresyon na pinapakit si Fred sa kanya.

"Till me Mr. Villacorta, anong kailangan mo?"deritsong tanong ni Fred kay James na walang paligoy-ligoy. Pero napangiti si James sa tinanong ni Fred, at siya napang napailing-iling

"Wala, wala lang talaga akong kasamang kumain" saad ni James sabay kinuha ang paa nang manok "tutal kabet ka naman nang asawa ko, bakit hindi nalang tayo mag share nang mesa. Dahil nag si-share lang naman tayo sa iisang babae diba"taas kilay na tanong ni James kay Fred pero kitang kita nito ang pagtatangis nang bagang ni Fred. Bahagya namang nakapangumot nang kamay si Fred dahil sa pinipigilan niya ang kanyang galit at ayaw niya makaagaw nang atensiyon sa mga tao dahil sa nasa public place sila.

"Sa pagkakaalam ko may asawa ka, bakit dito ka kumakain sa lugar na to"dinampot ni Fred ang isang baso nang Coke at agad itong ininom "don't tell me walang pagkain sa inyo, o di kaya'y wala nang nagluluto dahil sa iniwan ka na ni Shaira" napahinto naman si Fred at agad napatitig kay James "bakit James, hindi ba marunong magluto ang babae mo?"agad namang napatumba si Fred sa kanyang kinauupuan nang bigla siyang hambalosin nang suntok ni James pero agad tumayo si Fred at ginantihan ito nang suntok.

Agad kinwelyuhan ni Fred si James "dahil sa ginawa mo Mr. Villacorta sisiguraduhin ko na hindi mo na makikita si Shaira kailan man" matatalim natitig ang kanilang ipinukol sa isa't-isa. Na tila'y nagpapatayan sila sa kanya-kanya nilang titig " sinayang mo lang ang pagkakataon sa panahon na mahal ka pa ni Shaira, pero ngayon wala ka nang magagawa pa. Dahil simula sa araw na to, walang Shaira ang magbabalik sayo muli" agad namang binitawan ni Fred ang kwelyo ni James nang biglang nagsidatingan ang mga guard kanina na nagbabantay lamang sa labas nang Jollibee.

Nagmamadaling umalis si James patungo sa kanilang bahay dahil sa mga sinabi ni Fred sa kanya, mariin niyang tinungo ang kwarto ni Shaira at agad binuksan ang cabinet pero wala na itong laman, wala na ni isang gamit ni Shaira ang siyang natira sa lagayan nito. Nagtungo siya sa kanyang kwarto nang mataimtim na tila di matanggap ang nangyari. Pero walang ligaya ang siyang nabuhay sa kanyang puso kundi puro kalungkotan lamang.

Mariin siyang napatulala at bapaupo sa kanyang kama habang iniisip si Shaira, bakit nasasaktan siya sa pagkawala ni Shaira. Bakit parang unti-unting winawasak ang kanyang puso sa mga nalaman niya. Napako ang kanyang atensiyon nang makita niya isang bilog na bagay na siyang nasa ibabaw nang drawer niya, bahagya niya itong pinulot na siya namang nagsimula nang pag-agos nang kanyang luha.

Ang singsing ni Shaira na matagal niyang iniingatan at inalagaan pero, sinayang niya lang ang pagmamahal na hindi man lang niya nagawang balingan

Pagisipan mo muna ang mga bagay bago mo gawin, dahil baka sa huli ay pagsisihan mo rin

---------------------------------------------------------------------------------
Please vote and Follow me

DancingFucker

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon