~~~*~~~

10.2K 121 0
                                        


Isang folder nalang ang kailangan niyang taposin para makauwi na siya subalit hindi pa rin nagigising ang anghel niyang si Claudette hanggang sa natapos niya lahat, mariin siyang napatayo sa kanyang upuan at nag stretch sa kanyang katawan. Halos buong araw itong nakaupo sa kanyang upuan marahil ay namamanhid na ito. Matapos nang ginawa niya ay agad niyang tinungo ang kinaroroonan nang kanyang anak at mariin itong tinititigan, hinalikan niya ang kanyang anak upang magising ito pero ang buksan ni Claudette ang kanyang mga mata ay ngiti lamang ang iginanti nitosa kanyang ina at mariing napakamot sa kanyang ulo

“Let’s go home”pagaaya ni Shaira sa kanyang anak habang hinahawak nito ang kamay upang patayuin ito mula sa pagkakahiga “ang dami mong tulog ngayon ahh, sino na naman ang iniisip mo sa dream mo”

Napailing si Claudette na siyang dahilan upang bahagyang mamula ang pisngi nang kanyang anak, hinalikan niya ito sa noo sabay ibinaba sa sofa nitong tinutulogan kanina lang. Matapos noon ay agad siyang nagtungo sa kanyang Swivel Chair upang kunin ang kanyang bag na siyang nilagay niya kanina lang.

“tara na”aya ni Shaira, pero hindi siya sinagot ni Claudette bagkus ay hinawakan niya lang ang kamay nang kanyang anak at lumabas. Marahil ay hindi pa nakakaget over si Claudette sa pagtulog kaya hindi ito umiimik, isa rin ito sa mga katangian ni James na hindi umiimik pag galit o kayang kagigising lang

Pagbukas nang pintuan ni Shaira ay agad namang tumambad ang kanyang secretarya na siyang busy rin sa kanyang ginagawa. Pero agad naman sila nitong napansin dahil sa tunog nang pintuan nang opisina ni Shaira

“hi Claudette, good morning”maligayang bati ni Karen kay Claudette pero poker face lang ang natanggap niyang reply kay Claudette “sungit naman nito” sabay sinimangutan ang bata at napatingin kay Shaira at sabay naman silang nag ngitian.

Papauwi na nang bahay si Shaira at kasama niya parin si Claudette sa sasakyan habang nilalaro nito ang kanyang tablet na regalo nang kanyang Lolo. Bawal man iyon kay Claudette ang mga gadget na binili nang kanyang papa para sa kanyang anak ay pinayagan na niya ito dahil regalo ito noong kaarawan ni Claudette, mariin na lamang napailing-iling si Shaira habang iniisip ang kanyang ama.

Papasok na sila nang bahay habang si Claudette naman ay tatakbo-takbong pumasok nang pinto upang hanapin ang taong kinasasabikan na makita. Agad itong pumasok sa kusina upang maghanda nang makakain dahil baka nagugutom na ang kanyang anak

6:00 pm palang nang hapon kaya mas maaga siya ngayon kesa kahapon, may bisita kasi sila kaya nagmamadali si Shaira upang mapaghanda ang kanyang bisita

“namiss mo talaga ako no”isang lalaki ang nagsalita nang makapasok ito sa kusina. Habang bitbit nito si Claudette na siyang parang linta kung makayakap kay Fred. Napangiti na lamang si Shaira habang nakikita niya si Fred ba hirap na hirap kay Claudette. Pero napatigil si Shaira nang makita ang kanyang anak na lalaki na siyang papalapit sa kinaroroonan ito at agad napayakap.

--------------------------------------------------------------

Please Vote and Follow me✌✌✌

@DancingFucker

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon