~~~*~~~

10.1K 133 1
                                    

Pagkababa na pagkababa ni Shaira ay agad niyang nasilayan si Fred habang kumakaway ito sa kanya na may ngiti sa labi

Agad na nagtungo si Shaira sa kinatatayoan  ni Fred at napangiti siyang bumati rito
"Kanina ka pa ba nagaantay jan?" Alinalangang tanong ni Shaira habang inaantay ang sagot ni Fred

Umiling iling si Fred at agad na naglakad patungo sa loob ng Mall. Agad namang naalarma si Shaira dahil papasok ito sa loob ng Mall "teka lang, yung cellphone ko dala mo ba?"tanong ni Shaira habang habol-habol si Fred papasok

"Syempre naman, kailangan samahan mo muna akong kumain sa loob. Para hindi naman sayang ang pag punta ko rito nohh. Umabsent pa ako sa trabaho ko para lang ihatid tong mamahalin mong cellphone" taas kilay na saad ni Fred habang pinipigilan ang tawa

Kahit umabsent pa yan si Fred ng ilang linggo ay hindi yan matatanggal sa trabaho. Syempre siya CEO ehhh

"Teka lang, nagmamadali kasi ako ehh!!"napakamot si Shaira sa kanyang batok, pero nagmamadali talaga siya dahil baka makita siya nang mag kakilala ni James at machismis na naman siya at kung ano pang flying gossips ang dumating kay James

"Sandali lang, samahan mo muna ako. Hindi pa nga ako nakakain nanh agahan ehh, inistorbo mo ang tulog ko dahil sa walangyang cellphone mo na yan"mala adonis na ngiti ang ipinukol ni Fred sa kanya

" sige ahh, basta sandali lang"tinangoan naman siya ni Fred na wariy kinukumbinsi niya si Shaira na sumama sa kanya kahit sandali lang

Nakahanap kaagad sila ng pwesto ni Fred. Sa isang sikat na Fast Food sila kumain, alam na dis Jollibee.

Inikot ni Shaira ang kanyang paningin sa loob ng establishment. Nahahalata niyang maraming tao at halos siksikan na ang paligid

"Alis muna ako ahh, oorder lang ako" paalam ni Fred kay Shaira habang inilibot ang pangin dahil nagtataka siya king bakit palinga-linga si Shaira sa paligid " Teka, ano nga pala ang gusto mo?"dagdag na tanong ni Fred kay Shaira

"Huwag ka nang mag abala, nandito lang naman ako para kunin yung phone ko sayo na hindi mo pa ibinibigay" inirapan niya si Fred habang sinasabi niya iyon. Kahit kahapon lang sila nagkakilala ni Fred ay kampanti parin siyang kasama ang lalaki dahil sa kakulitan siguro nito

Ilang sandali pa ay nababagot na si Shaira sa kinauupoan niya, kung binigay na sana ni Fred ang cellphone ni Shaira ay kanina na niya ito nilayasan at umuwi nang bahay, para di na siya kabahan na baka may makakita sa kanya na may kasamang ibang lalaki. Hindi naman lalaki kaibigan lang

Habang minamasdan ni Shaira ang mesang nasa harap niya na halos pwede nang gawing salamin dahil sa makintab na ito masayado. Ilan kayang galong mantika ang nauubos nang jollibee araw-araw

Napatigil siya sa pag de-daydream nang makita niya si James at Sharmaine sa harapan niya na masayang nagtatawanan

Agad namang dumating si Fred sa saktong kakaupo lany ay agad namang sabay na nagtama ang mga mata nila James ay Shaira


-----------------------------------------------------------

Please Press The Button Below✌✌✌

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon