Chapter 50💋💋💋 Finale

11.1K 83 0
                                        

"Claudette, Eman" umiiyak niyang aniya habang matamang pinakikinggan ang mga tinig ng kanyang kambal. Pero ilang sandali lang ay nararamdaman niyang unti-unting nawawala ang mga boses ng kanyang mga anak na siyang sumisigay at umiiyak. Alam niyang si Eman iyon ang sumisigaw at si Claudette naman ang siyang umiiyak dahil sa pagkakaalam niya alam niyang matapang na bata si Eman.

"Ano Shaira, natitiis mo pa bang marinig ang anak mo habang umiiyak" mariing napakumot si Shaira sa kanyang mga kamay habang pinapakinggan ang mga haklakhak ni Sharmaine sa kabilang linya

" Hayop ka talaga Sharmaine, sa oras na malaman kung sinaktan mo ang mga anak ko ay hinding hindi kita mapapatawad " nanggigigil na aniya ni Shaira kay Sharmaine pero halakhak lamang ang siyang narinig niya sa kabilang linya

"Talaga ba! natatakot ako sa mga banta mo Shaira" pilosopong atungal ni Sharmaine na may halong matitinis na tawa sa kabilang linya 


"Sabihin mo sakin anong kailangan mo. Parang awa mo na Sharmainen, huwag na huwag mong sasaktan ang mga anak mo " pagmamakaawa ni Shaira sa kabilang linya pero si Sharmaine ay patuloy parin sa kakatawa na tilay aliw na aliw sa mga naririnig niyang pagmamakaawa ni Shaira sa kanya 

"Gusto mong makita ang mga anak mo" mariin namang napatango si Shaira pero si Fred naman ay naiintindihan na ang mga nangyayari kaya hindi na niya tinanong si Shaira kung ano  ang mga nangyayaring hindi niya alam 


Ilang sandali pa ay natapos ang pakikipag usap niya kay Shairmaine, aakma na sanang aalis si Shaira nang pigilan siya ni Fred "Teka, saan ka pupunta' " mariin niyang tanong sa babae pero hindi siya sinagot nito

"Kailangan kong puntahan ang mga bata Fred, kinidnap sila ni Sharmaine" umiiyak niyang aniya sa lalaki pero hindi pa siya binibitawan nito


"Hindi mo ba to ipapaalam kay James Shaira ?" tanong ni Fred sa kanya pero napailing-iling lang si Shaira dahil sa gusto niyang sarilinin ang pagligtas sa anak niya 


"Hindi pwede Fred, kailangan ako lang ang pumunta sa lugar na iyon. Dahil kung hindi ay papatayin ni Sharmaine ang mga anak ko"nanginginig niyang aniya sa lalaki pero hindi parin siya binibitawan nito


"Sa tingin mo ba hindi ka papatayin ni Sharmaine kung sakaling ikaw lang pumunta roon. Shaira naman malaki ang galit sayo ni Sharmaine hinding hindi ka niya titigilan hanggang hindi ka nawawala sa kanyang paningin at hindi niya nakukuha si James" paliwanag ni Fred sa kanya pero tilay nagbibingi bingihan lamang ang si Shaira sa mga sinabi ni Fred sa kanya


"Pero wala ng oras Fred, kailangan ko nang pumunta" mariing inialis ni Shaira ang mga kamay ni Fred na siyang  nakahawak sa kanyang braso at umalis ang tanging nasa isp lamang ni Shaira ay mailigtas ang kanyang dalawang anak na siyang nanganganib ang buhay sa ngayon

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon