Ilang araw nang nakatira sa bahay nila Shaira si Sharmaine pero binaliwala niya lang ito at okay lang sakanya kesa naman si James ang umalis. Mas gugustuhin niya pang makasama si Sharmaine sa bahay huwag lang umalis si James, masakit man sa kaloob-looban niya pero nagawa niyang labanan ang hapdi, nagawa niyang baliwalain ang sakit dahil sa mahal niya si James para huwag lang siya nitong iwan
Sa ilang araw na pamamalagi ni Sharmaine sa bahay nila Shaira ay maraming natanggap na sampal ang babae galing kay Sharmaine, pero tinitiis niya iyon dahil sa kabilin-bilinan ni James na huwag itong sasaktan
Maagang napabangon si Shaira dahil sa plano niyang labhan ang mga damit ni James agad siyang nagtungo sa kwarto at hinanap ang basket kung saan nilalagay ni James ang marurumi nitong damit. Habang binubusisi niya ang mga damit ni James ay may nakita itong iilang barya sa mga bulsa nito, pero agad niya itong inilagay sa tabi nang mesa ni James at mariing tinapos ang kanyang ginagawa
Habang naglalaba si Shaira sa likod nang kanilang bahay ay napansin niyang papalapit si Sharmaine sa kanyang kinroroonan pero pingapatuloy niya lang niya ang pagkusot sa mga labahin at ipinagsawalang bahala na lamang ang paglapit ni Sharmaine dahil sa baka dadaan lang ito, pero ilang sandali pa ya huminto ito sa kanyang harapan na siyang dahilan upang mapaangat ang kanyang ulo
Mataray at mataas na kilay ang ipinakita ni Sharmaine habang nakapameywang ito sabay tinititigan si Shaira nang masama
"May mga labahin ka pa sa loob na hindi mo sinama sa labahan mo" punang saad ni Sharmaine habang pinipigilan ang inis nito, pero napayuko na lamang si Shaira at ipinagpatuloy ang mga labahin at hindi na niya muling pinansin, pero sa pagkakaalam ni Shaira nadala naman niya lahat ang mga maruruming labahin ni Fred kaya bakit nagaksaya pa nang panahon si Sharmaine na pumunta rito
Imbis na mapaisip sa mga sinabi ni Sharmaine ay bahagya na lamang niyang kinusot-kusot ang mga puting damit ni James na di umanoy mansa nang lipstick at iba pang hindi niya alam na gasgas na kulay galing sa iba't-ibang bagay
Ilang araw na ring hindi niya nasasagot ang mga tawag ni Fred dahil sa busy ito at hindi na makahawak sa kanyang cellphone. Pati ang mga kambal na siyang nagpapasaya sa kanya dahil sa laging sinusumbong ni Mart si April na laging nanunuod nang porn. Napangiti na lamang siya habang iniisip ang kambal pero nawala ang masasayang imahinasyon nang bigla siyang napatalon dahil sa lamig
Napaiktad siya at agad napatingin sa babaeng nasa harap niya. Nakangiti namang nakatingin si Sharmaine sa kanya na tila tuwang-tuwa sa nangyari "pasalamat ka pa nga galing sa ref pa yan, para magising ka naman"matapos sabihin ni Sharmaine iyon ay agad niyang itinapon ang mga labahan sa palanggana, halos lahat nang maruruming damit ni Sharmaine iyon" bwesit!!"atungal niya bago umalis at pumasok sa loob nang bahay. Napakumot naman sa kamay si Shaira kasabay ang pag agos nang kanyang mga luha pero agad niya itong pinahid gamit ang kanyang mga braso, kailangan niyang maging malakas dapat hindi siya nagpapaapekto sa ginagawa nang babaing iyon dahil sa kung lalaban man siya ay tiyak na hindi na niya makikita si James
Napaupo siya sa upuang ginamit niya at pinagpatuloy ang paglalaba dahil sa magluluto pa siya ang tanghalian para kay Sharmaine
--------------------------------------------------------------
Please Vote and Follow me
By:DancingFucker💋💋💋
✌✌✌
![](https://img.wattpad.com/cover/131673259-288-k803900.jpg)
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife