Chapter 37💋💋💋

7.9K 90 0
                                    

Hindi mawala sa isipan ni Shaira ang nangyari sa kanila nila Fred noong gabing iyon bagkus ay nagpabalikbalik ito sa kanyang isipan na tilay sirang plaka.

Hindi niya labis matitigan si Fred dahil sa naiilang siya dahil kasama ni Shaira na kumakain ang ina nang lalaki. Napansin naman ito ni Meldred na siyang ina ni Fred, napangiti na lamang siya nang mapansin niya si Shaira

"Huwag ka nang mahiya iha" agaw ni Meldred kay Shaira na siyang napatingin sa kanya "it's your last day. Kaya kumain ka na lang, dahil ilang sandali pa ay makakasama mo na ang mga anak mo" sweet na tuno na saad ni Meldred kay Shaira na siyang dahilan upang mapangiti ito. Nakakain naman si Shaira nang maayos pero naiilang parin siya sa mama ni Fred sa tuwing nagpo-pop up sa isip ni Shaira ang nangyari sa kanila ni Fred kagabi

"Ingat kayo sa byahe iha!!"sigaw ng ina ni Fred bago sila pumasok sa sasakyan " kamusta mo nalang ako sa mga anak mo"dugtong pa niya

Binuksan ni Shaira ang bintan nang kotse dahil sa may sasabihin pa siya "thank you po tita sa lahat" maligaya nitong saad bago kumaway at isinara ang bintana nang umandar na ang sasakyan ni Fred

Ngayong araw kasi nila susundoin ni Shaira ang kambal niya sa airport dahil sa vacation na at namimiss na niya ang dalawa niyang chikiting. Kaya ngiti sa labi naman ni Shaira ang nakapinta sa mukha nito na bakat na bakat ang pagkasabik niya sa kanyang anak

Ilang buwan niya ring hindi nakasama ang anak kaya namimiss niya ito masyado lalo ang kakulitan ni Claudette na siyang lagi niyang hinahanap at ang malambing na Eman na siyang dahilan upang mapangiti siya. Inimpake narin ni Shaira ang mga gamit niya dahil sa lilipat na siya sa bahay na binili nang kanyang papa last year

"I'm happy to see my baby girl" agaw atensiyon ni Fred kay Shaira na siyang dahilan upang balingan ito ng tingin nang babae, at napangiti naman si Shaira dahil sa sinabi ni Fred. Alam niyang anak na ang turing niya sa dalawa kaya hiding-hindi siya nagsisisi na iniwan niya si James at piniling manirahan sa Amerika. Plano niya sanang balikan si James nang malamam niya na nagdadalang tao siya pero pinigilan siya ng kanyang ama at sapilitang pinapunta sa Amerika. Pero hindi naging madali ang buhay niya doon dahil sa palagi niyang naalala ang lalaki kahit san man siya tumingin

Pero sa pag daan nang panahon ay nagawa niyang kalimotan ang nararamdaman niya kay James, nagawa niyang ilibing ang pagmamahal niya sa lalaki at itinuon na lamang niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak. Ang anak niya na siyang nagbigay nang panibagong pagasa sa buhay ni Shaira na huwag sumuko sa buhay at lumaban.

Mariin niya ipinahid ang luha na siyang tumulo mula sa kanyang mata. Pero napahinto naman si Fred sa pagmamaneho nang makita niya  ang pagtulo nang luha no Shaira "are you okay?" nagaalalang tanong ni Fred kay Shaira, pero tumango lang ang babae

"Yes, masaya lang ako"

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon